2 pasyente ng COVID-19 sa Pilipinas, kinumpirma ng DOH na gumaling na

Kinumpirma ng Department of Heath (DOH) ang dalawang pasyente ng COVID-19 sa Pilipinas na tuluyan nang gumaling.

Sa inanunsyo ng Department of Health, ang dalawang pasyente na PH1 at PH3 ay tuluyan ng gumaling habang ang nasa 5 naman na kumpirmado sa COVID-19 ay ‘mild’ na lamang na sintomas at ngayon ay nakasailalim sa home quarantine.

Ginawa ng DOH ang paglilinaw na ito matapos nilang maiulat na lima na ang kumpirmadong gumaling sa covid-19 sa bansa.

“The Department of Health clarifies that, to date, there have been a total of two recovered cases of COVID-19 (PH1 and PH3),” ayon sa naging pahayag ng DOH.

“On the other hand, five confirmed COVID-19 cases with mild symptoms are under home quarantine based on the existing decision tool for the diagnosis and management of COVID-19,” dagdag pa ng ahensiya.

Ayon pa sa ahensiya, aabutin umano ng anim na linggo o halos dalawang buwan bago tuluyang maka-recover o gumaling ang isang pasyente na nagpositibo sa naturang virus.

“Matagal talaga ang recovery period. Sa mild to moderate cases of COVID-19 infection, recovery is anywhere from 2-3 weeks. Yung critical aabutin lampas ng 1 buwan, 3-6 weeks. So hindi madali,” ayon pa kay Duque.

Matatandaan na inanunsyo ng Department of Health na halos 140 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at ang labing isa dito ay pumanaw na.

Sa pahayag ng ahensiya, halos 72 pa na indibiduwal ang kanilang hinihintay ang resulta at nasa 638 na ang PUI o ang Persons Under Investigation na nagnegatibo na.

“Pagka gumawa tayo ng marami pang testing, baka may positive na marami dyan, so liliit yung case mortality rate…’yan ‘yung number of d3aths over number of infection,” dagdag pa ni Duque.