2 Senator at si Finance Sec. Dominguez sasailalim sa self quarantine matapos ma-expose sa infected ng virus

Kamakailan lang ay inanunsyo ng Department of Health ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa na kung saan patuloy itong tumataas.

Hindi rin maikakaila na nagpapanic buying na rin ang mga ilang netizen sa pagbili ng mga basic needs sa mga pamilihan upang maiwasang mahawa.

Dalawang senador ng bansa na si Senadora Nancy Binay at Senador Sherwin Gatchalian ay nag desisyon na mag-self quarantine matapos makasalamuha ang isang nagpositibo sa COVID-19 na resource person na dumalo sa Senate Hearing nitong Marso.

“Following the decision of Sen. Sherwin Gatchalian to go into self-quarantine, I have likewise decided to take similar precautions and self-monitor for the next 14 days,” pahayag ni Binay.

“Sen. Gatchalian and I were present during the March 5, 2020 hearing, and it is with a heavy heart to learn that one of our resource speakers has been tested positive for COVID-19,” dagdag pa nito.

Hinihikayat rin ng senadora ang kanyang staff na magpa-self quarantine.

“With close to 50 people already been tested positive, it only shows that the exposure to the virus is real, and there‚Äôs a high chance that someone out there is a carrier. This is a serious public health matter and I enjoin everyone who came in contact with me in the past week to take the same precautions and observe all the basic hygienic processes,” giit pa nito.

Ayon naman kay Senador Gatchalian, kahit na wala siyang sintomas ng virus ay susundin niya ang protocol ng gobyerno.

“I have recently been informed that a resource person who attended the hearing of the Committee on Basic Education, Arts and Culture last March 5, 2020, which I Chair, has tested positive for COVID-19,”

“Though I am asymptomatic and feel healthy, I will follow government set protocols on such cases and go into self-quarantine immediately given that I interacted with the said individual during that committee hearing,” dagdag pa nito.

Inanunsyo rin ni Finance Secretary Sonny Dominguez na sasailalim siya sa self-quarantine matapos ma-expose sa isang infected sa virus.

Kahit na walang sintomas ng virus ay magbubuluntaryo umano siyang magself-quaratine, hinihikayat rin nito ang mga reporter sa media na magpa-test sa coronavirus.

“I was told that a fellow I met with last Thursday and Friday last week has tested positive for COVID 19 today. I have no symptoms but am self-isolating until I get tested,”

“You may wish to follow suit,” ani pa nito

Source: Rappler