36 katao na Doble Dobleng entry sa listahan ng SAP beneficiaries, Bistado ng Netizen

Hindi maikakaila na maraming Pilipino ang ngayon ay apektado ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine upang labanan ang COVID-19 na kumakalat sa bansa.

Kaya naman agad na nagbigay ng tulong ang pamahalaan upang kahit papaano ay matulungan ang mga mahihirap upang may ipang bili sila ng kanilang makain.

Nagsagawa na rin ang iba’t ibang sektor sa bansa ng relief operation upang maiabot ang tulong sa mga na apektuhan na pamilya.

Isa na jan ang pagbibigay ng financial assistance para sa mga Pilipino sa gitna ng COVID-19.

Inanunsyo na rin ng pamahalaan na bigyan lamang ang mga taong nangangailangan o yung mahihirap upang may panggasto sila sa pang araw araw.

Ngunit marami na rin ang nag viral sa social media na tila inaabuso ito ng mga Barangay Official lalo na sa pagbibigay ng tulong financial sa mga nasasakupan nila.

Isa na nga jan ang facebook post ni RHea Rebato, na kung saan nadiskubre nito na halos 36 katao na doble doble ang entry sa listahan ng SAP ben3ficiares.

“Nakita ko lang SAP ben3ficiaries sa #BrgyBagbaguin #Valenzuela magkaka iba’t ibang tao po ba mga ito???? Not once.. Not twice.. BUT 36 persons n doble doble ang entry sa list TOTAL of #36Slots po sana ang dapat na nalagyan ng ibang pangalan ng ben3ficiaries na dapat eh #makatanggap din ng SAP … 😂😂😂 typ0ghrap1cal error p din po kaya??? Dito lang kaya sa Brgy. Bagbaguin Valenzuela nagkamali ng entry sa list ang DSWD????” saad pa ni Rebato.

Ibinahagi rin nito ang mga pangalan na dalawang beses nakalista ang pangalan sa listahan ng mga SAP ben3ficiares.

Kaya nanawagan ito sa DSWD na imbestigahan ang naturang insidente. Nilinaw rin nito na hindi niya hangad ang manira.