ABS-CBN hindi nakaligtas kay Deputy Speaker Marcoleta: “Hindi po nag-comply sa batas ang ABS-CBN kaya hindi po sila pwede lumabas at magpalabas”

ABS-CBN hindi nakaligtas kay Deputy Speaker Marcoleta: “Hindi po nag-comply sa batas ang ABS-CBN kaya hindi po sila pwede lumabas at magpalabas”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa pagsasara ng isa sa pinakamalaking tv network sa bansa na ang ABS-CBN.

Ito’y matapos na maglabas ng cease-and-desist order ang National Telecommunication Commission o NTC upang ipatigil ang pag-ere ng naturang estasyon.

Kaya naman marami ang kilalang mga personalidad ang nagpakita ng kanilang suporta sa naturang estasyon, kasama na jan ang mga artistang kilala na sila Angel Locsin, Coco Martin at Vice Ganda.

Tinalakay ng Kongreso ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN at agad na binanatan ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang naturang estasyon.

Sa naging talumpati ni Deputy Speaker Marcoleta, sinabihan niya ang mga opisyal ng naturang estasyon na kahit na nagbibigay ang mga ito ng aliw at saya sa mga Pilipino ay dapat parin nilang sumunod sa batas.

“Hindi po ba mas maganda at katanggap-tanggap na tumulong sa kapwa na walang nilalabag sa batas at buong sikap na nasusunod ang prangkisa.”

“Dahil po ba kayo ay nakakapagdulot ng saya, aliw sa ating mamamayan, nakakapagbigay ng inspirasyon, katatagan ng loob, pag-asa, katulad sa sinabi sa opening salvo ng representative ng ABS-CBN, hindi na po ba natin susundin o tutuparin, isasalang-alang ang batas, o ang prangkisa ninyo? Makakapagpasaya naman tayo, makakapag-inspire tayo nang hindi po tayo lumalabag sa batas… “

“Hindi po nag-comply sa batas ang ABS-CBN kaya hindi po sila pwede lumabas at magpalabas,” saad pa nito.

"Mr. Speaker, ABS-CBN post the challenge. The challenge was accepted. There is no reason to complain! – Deputy Speaker Marcoleta

Mr. Speaker, ABS-CBN post the challenge. Obviously the challenge was accepted. There is no reason to complain." – Deputy Speaker Marcoleta📺 Free TV on Ch. 39, Cignal Ch. 186, Sky Cable Ch. 162💻📱 Online at www.smninewschannel.com Click the link to Subscribe: https://www.youtube.com/c/SmniNews?sub_confirmation=1Visit us on http://www.smninewschannel.comVisit us on https://www.facebook.com/SmniNews/Visit us on https://www.facebook.com/DZAR1026/Follow us on: https://www.instagram.com/smninewschannel/

Posted by SMNI News on Tuesday, May 26, 2020