Actor John Arcilla may patama sa mga namumuno: “Ang kailangan natin ay mga Lider na magbubuklod”

Kamakailan lang ay nag viral sa social media ang isang hashtag na ‘OustDuterte’ dahil umano sa ginawang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos magsagawa ng rally ang Kadamay kahit na nasa ilalim ng quarantine ang bansa.

Binatikos rin ng ilang oposisyon ang naging pahayag ni Pangulong Duterte na kung saan sinabi nito na ipapaaresto niya ang mga leftist na patuloy na manggugulo kahit na may enchanced community quaratine sa bansa.

“Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangæy na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagæy sa alanganin, sh00t them dead.” pahayag ni Pangulong Duterte laban sa mga leftists matapos magsagawa ng rally.

“Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” dagdag pa nito.

Kaya naman, sa isang tweet ni Arcilla sinabi nito na kinakailangan ng bansa ang mahinahong lider at hindi nagbibigæy ng takot sa mga pilipino.

“Palagæy ko, sa PANAHON ng TAKOT at GUTOM, KRISIS at EPIDEMYA ang kailangan natin ay mga LIDER na MAGBUBUKLOD sa atin at HINDI magdadagdag ng TAKOT at PAGKAKA HATI-HATI ng BANSA. Kabayan, kung di ka naniniwala dyan, HINDI KA MAKABANSA. HANGARIN ang PAGKAKAISA,” saad pa niya sa kanyang tweet.

Ang naging tweet na ito ng aktor ay agad sinagot ng kanyang followers, na kung saan sinabi nito sa aktor na dapat maintindihan umano nito kung bakit ganun nalang ang galit ng isang Lider.

“Kabayan, kung may tamang malasakit ka sa bayan dapat alam mo kung san nanggagaling ang galit ng isang lider na ang hangad lang ay itama ang landas ng kanyang nasasakupan. Naturinang alam mo ang mga kataga ni Heneral. Ang sarili ang kalaban. Tas ending, eto ka.” saad pa ni Bulano isang netizen.

“Naniniwala ako sa idelohiya mo Heneral subalit sa nakikita ko ngæyon, kahit sino pa ang lider na maluklok sa itaas at subukang pagisahin ang bansa, mayron at mayron pa ding lumulutang para hatiin ang sambayanan. Wala na sa lider ang susi kundi s kanyang mga nasasakupan,” saad pa ng isang netizen.

Sinagot rin ni Arcilla ang mga naging pahayag ng mga netizen sa kanyang tweet at sinabi imbis na takutin umano ang mga left ay dapat pakalmahin nalang umano ito ng lider.

“Mas ok cguro na kinakalma ng mga Lider ang bayan na nagugutom at natatakot. Ang mga lumabas ay nagugutom walang baril. Kung may problema sa “Left” pwede pag usapan sa ibang oras kailangan. Ang kailangan ngæyon ng tao ay PAGKAIN, assurance na LIGTAS ang kalusugan at may gamot.” saad pa ng aktor.