Agot Isidro bumwelta kay Jinkee Pacquiao: “Pwede ba konting sensitivity man lang?”

Binanatan ni Agot Isidro si Jinkee Pacquiao dahil umano sa kanyang ipinakitang karangyaan sa social media lalo na nasa pandemya ang bansa.

Sa isang tweet ni Isidro, binatikos ng aktres si Jinkee Pacquiao dahil umano sa kanyang social media post na bisekleta galing sa Hermés at Louis Vuitton.

Sinabi rin ni Agot na dapat maging sensitibo rin raw si Jinkee sa kanyang mga ipinopost sa social media lalo na nasa gitna ng pandemya ang bansa.

“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam,”

“Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang?” dagdag pa nito.

Ginamit rin ni Agot ang salitang ‘nouveau’ na isang termeno para ilarawan ang isang tao kung papano nakuha ang kanyang kayamanan.

Ngunit imbis na suportahan, binatikos ng mga netizen si Agot Isidro dahil sa kanyang naging pahayag laban kay Jinkee Pacquiao.

Ibinahagi rin ng isang netizen ang naging social media post ni Sharon Cuneta na kung saan ipinakita nito ang kanyang Rolex na relo.

“There’s nothing wrong about others posting stuff on social media. It depends if someone views it with envy,” saad pa ng isang netizen.

“Ms. agot can you also please tell her to be sensitive at this moment. Thanks” dagdag pa nito.

“For people who came from poverty and i supposed hindi ka isa sknla coz you uave been (if not rich) well sustained since childhood, kaligayahan na ang magkaron ng ganyan. And she is not even bragging. Gusto nya ipost yan kase maganda sa feed at paningin ng tao,” saad rin ng isa pang netizen.

“If you cant take it, baka ikaw ang may problema. And for those who were commenting like she has no class, you think commenting like that made u all classy? SMH,” dagdag pa nito.