Agot Isidro supalpal ang inabot kay Lolit Solis: “Magdahan dahan din at alamin muna ang issue!”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang naging social media post ng aktres na si Agot Isidro laban kay Jinkee Pacquiao.

Matatandaan na tinawag ni Agot Isidro si Mrs. Pacquiao ng “Nouveau” at nanawagan ito na maging sensitive lalo na nasa gitna ng pandemya ang bansa.

“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam,”

“Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang?” saad pa ni Agot sa naging social media post ni Jinkee.

Kaya naman hindi napigilan ni Talent Host and showbiz writer na si Lolit Solis na batikusin ang aktres na si Agot Isidro dahil sa tila pagpatol nito sa lahat ng mga social media post ng mga kilalang personalidad.

“Sa mga mata ng followers ay talagang hinangaan nila ang pagiging ladylike ni Jinkee Pacquiao na hindi sumagot at sa halip mga bible verses ang posted answer,” saad pa ni Solis.

Kwinestiyun rin ni Lolit ang tila pangingialam ni Agot Isidro sa buhay ng ibang kilalang personalidad at tila hinahaluan nito ng politika.

“Si Agot naman kasi na lahat ng issue pinapatulan at para bang isang aktibista na nakabantay sa mga kapwa artista niya na hindi niya katulad ang paniwala. Sobra narin politized ang mga opinyon kung minsan ni Agot na dapat siguro medyo magdahan dahan din at alamin muna ang issue,” saad pa nito.

“Regalo lang naman , gusto magpasalamat ni Jinkee, so post niya sa IG, so no problem sana, eh pinatulan ni Agot, hayan na,” dagdag pa nito.

View this post on Instagram

Isa pang kaloka iyon issue ng bisekleta nila Champ Manny Pacquiao /Jinkee at Agot Isidro. Bongga na regalo lang pala iyon mga bisekleta na signature Hermes at LV na ikinagalit ni Agot kay Jinkee. At sa mga mata ng followers ay talagang hinangaan nila ang pagiging ladylike ni Jinkee Pacquiao na hindi sumagot at sa halip mga bible verses ang posted answer. Si Agot naman kasi na lahat ng issue pinapatulan at para bang isang aktibista na nakabantay sa mga kapwa artista niya na hindi niya katulad ang paniwala. Sobra narin politized ang mga opinyon kung minsan ni Agot na dapat siguro medyo magdahan dahan din at alamin muna ang issue. Regalo lang naman , gusto magpasalamat ni Jinkee, so post niya sa IG, so no problem sana, eh pinatulan ni Agot, hayan na. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on