Akala mo magaling! Former Pres. Arroyo sinupalpal ang mga bumabatikos kay Pangulong Duterte

Naging viral sa social media ang pag dipensa ni dating Pangulong at ngayon Speaker Gloria Macapagal Arroyo kay Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga bumabatikos sa kanya.

Matatandaan na marami ang bumabatikos ngayon kay Pangulong Duterte dahil umano sa kapalpakan ng pag responde laban sa COVID19 sa bansa.

Kaya naman agad na rumesbak si Speaker Arroyo sa mga bumabatikos sa Pangulo at sinabing nasasabi lang nila ang mga bagay bagay dahil hindi sila ang nakaupo sa pwesto.

Sa kanyang deleted na facebook post, tinawag na mga “Monday morning quarterbacks” ng dating Pangulo ang mga kritiko na bumabatikos kay Duterte.

“It is easy for them to be a Monday morning quarterback because they are not the ones in charge,” saad pa ng dating Pangulo sa kanyang facebook post.

Matatandaan na sinabi ni Arroyo na mataas ang respeto niya sa mga namumuno ngayon sa COVID-19 at lalo na sa mga frontliners.

“I was head of our government in the SARS, avian flu, and swine flu. From that perspective, I must say that I have nothing but the highest respect for all of those in our government now battling in the arena, from President [Rodrigo] Duterte to Sec. [Carlito] Galvez, to Sec. [Francisco] Duque and to each and every frontliner in the trenches and checkpoints, many of whom have given their lives in this fight,” saad pa ni Arroyo.

“I have been in the arena, so I think I have earned the right to say that an ounce of their effort is worth more than the ton of criticism they receive day in and day out,” dagdag pa nito.