Ako nalang! Wala kang katulad, nag iisa ka lang! Isang Netizen nanawagan sa NBI na siya nalang ikulong at huwag na si Francis Leo Marcos

Ako nalang! Wala kang katulad, nag iisa ka lang! Isang Netizen nanawagan sa NBI na siya nalang ikulong at huwag na si Francis Leo Marcos

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa pagkaka-aresto kay Francis Leo Marcos dahil umano sa mga kasong kinakaharap nito.

Kaya naman naging viral sa social media ang isang lalaki matapos nitong nanawagan sa National Bureau of Investigation (NBI) na kung pwede ay siya na lamang ang ikulong at huwag na si Francis Leo Marcos.

Ayon sa interview sa kanya ng blogger na Techram, sinabi ng lalaki na hindi niya lubos maisip na inaresto ng mga otoridad si Marcos na kilala sa pagtulong sa mga apektado ng COVID19.

“Yung taong tumutulong sa sambayanang Pilipino, kinulong pa, hindi ata makatwiran yun,” saad pa ng lalaki.

Nanawagan rin siya sa kanyang idolo na si Francis Leo Marcos na huwag niya na lamang pansinin ang mga kritiko na bumabatikos sa kanya.

Ayon pa sa kanya, handa siyang makipag palit kay Marcos at handa siya makulong para lamang makalaya si Marcos at patuloy na makatulong sa mga apektado ngayon ng COVID19.

“Kaya pumunta ako dito, tanong ko kung pwede ba kitang palitan diyan, para makapamigay ka pa sa sambayanang Pilipino at ng mapag patuloy mo ang inyong malinis na hangarin sa Pilipinas,”

“Willing akong pumalit diyan, puntahan niyo ko dito sa Baryo namin, makikipagpalit ako diyan,” saad pa nito.