Aljur Abrenica reacts about ABS-CBN franchise denial: “May mas malalim pa kesa sa ipaglalaban ko sa franchise”

Nagsalita na rin si Aljur Abrenica tungkol sa naging desisyon ng House of Representatives na kung saan hindi nabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Sa naging interview ng PEP.ph, inamin ni Abrenica na mas pinili niya hindi makisawsaw sa isyu na kinakaharap ng ABS-CBN.

Ngunit nilinaw ni Aljur na pabor siya sa pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN, pero nilinaw nito na hindi siya makikisawsaw sa isyu na kinakaharap ng kabilang network.

“Siyempre, that’s my mother network now. Marami rin silang naitulong sa akin. Pero it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight,” saad pa ni Aljur.

Ayon pa sa kanya, baka mas makakabuti pa umano ang nangyari sa ABS-CBN upang mas mapaganda ng kapamilya network ang kanilang serbisyo sa publiko.

“Matagal na yung nangyayari. I don’t know the details. Ako, bilang isang artista, hindi ko alam. Ang alam ko lang, yung behind camera, so I’m really looking forward,”

“How I see this scenario is the opportunity talaga to cleanse, and the opportunity to get better as a network,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya, may mas malalim pang problema kaysa prangkisa ng ABS-CBN.

“May mas malalim pa kesa sa ipaglalaban ko sa franchise.” saad pa nito.