Alessandra De Rossi explains why she refuses to join ABS-CBN rallies: Birthday nga, di ako umaattend, rally pa?

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa pagsasara ng isa sa pinakamalaking estasyon sa bansa na ang ABS-CBN o Kapamilya network.

Maraming mga kilalang personalidad at mga artista ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa naging desisyon ng kongreso lalo na sa hindi nila pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN.

Isa na nga jan si Angel Locsin na kung saan nanawagan sa kapwa niyang artista na makilahok sa isinasagawa nilang rally bilang pagsuporta sa mga empleyado ng kapamilya network na nawalan ng trabaho dahil sa naging desisyon ng kongreso.

May ilang netizen rin ang kumwestyon kay Alessandra De Rossi at tinanong kung bakit hindi siya nakikilahok sa isinasagawang rally ng ABS-CBN.

Agad naman sinagot ng aktres sa kanyang twitter ang ilang katanungan ng mga netizen sa kanya.

Sa ilang mga tweets ng aktres, ipinaliwanag nito kung bakit hindi siya sumasali sa mga rally ng empleyado ng ABS-CBN.

Sinabi nito na kaya hindi siya sumasali sa isinasagawang rally ay dahil may kinakaharap pa na pandemic ang bansa at hindi rin siya umano pwedeng makilahok lalo na kung maraming tao.

“May COVID. Maawa ka. Tsaka di ako okay (mentally) pag madaming tao. Birthday party nga, di ako umaattend, rally pa?” saad pa ng aktres na si Alessandra De Rossi.

Nilinaw rin nito na suportado niya ang ABS-CBN, at kung siya lamang ang masusunod ay bubuksan at hahayaan niya muli ang aBS-CBN na makapag-operate.

“Lagi ako nababash dyan. Pag naawa ako sa nawalan ng work, automatic anti-gvt agad ako. Kung tama tingin ko, wala akong awa sa nawalan. Wala akong gagawing tama. Kung ako lang masusunod papabuksan ko na yan sa driver ko dahil pandemic pa naman. Kaso wala akong driver. Ako na to!” saad pa ng aktres.

“Ako pa ba? Kaya nga madami nagiisip maldita ako dahil pag tama ako, di ako takot magsabi ng totoo at magmukhang mali. Pero yung covid ay wala akong xray vision para dyan. Yung totoo, takot ako dyan. Wala akong planong makausap sya ng personal. Wala akong planong matalo dyan,” dagdag pa nito.

“I dedma best… But I guess my best wasn’t good enough! Woozy face I pray you look beyond your personal opinions. Na di porket mas matapang ang isa ay takot ang isa. Baka iba kinatatakutan nya. Ako sure na, covid first, tapusin ko lang to at baka ito tumapos sakin,” sey pa nito.

Nilinaw rin ng aktres na walang masama kung makikilahok sa mga isinasagawang rally ng ABS-CBN, ngunit huwag rin dapat umano batikusin ng ilang taga suporta ng ABS-CBN ang hindi sumasali sa mga rally dahil may kinakaharap na pandemya ang bansa.

“Feeling ko kung nasa pinas nanay ko ay babatukan ako nun kung lumabas ako. Iba iba tayo ng kinalakihan. Iba iba tayo ng laban. Walang mali sa umattend ng rally dahil may gusto sila Ilaban. Walang mali sa gusto palipasin muna to be sure. Isa lang kalaban ngayon at hindi ako yun,” paglilinaw ni De Rossi.

“Wala akong pagsisisihan if my only goal is to stay alive and do only what I can. Dahil di ko pa tapos bayaran insurance ko para may makuha @ermatsko pag nadeadz ako. Wala naman akong savings, ni pang ospital wala. Ang importante ngayon.. Mabuhay tayo. So twitter nalang!” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni De Rossi na rerespetuhin niya ang bawat galaw ng mga tao, nanawagan rin ito na sana ay respetuhin rin ng mga netizen ang mga nananahimik at hindi sumasali sa rally lalo na may pandemya sa bansa.

“Di ako asar pero di rin ako nagjojoke. Hating hati na tayong lahat dahil sa mga interest na pang personal, pang mahal sa buhay, pang tama at mali. At this point, pag lumaban ka, mayabang ka. Pag nanahimik ka, wala kang paki. Pag pray ka nalang, inasa mo kay Lord. Yung totoo?” saad pa nito.

“Anyway, wala na akong planong makipagdiskusyon sa ayaw naman makinig. I respect everyone who fights, I respect everyone who shuts up, for now…till may covid. And I will end it with the same statement, hindi ako takot lumaban. Pero takot ako sa nanay ko at sa covid. Peas!” dagdag pa nito.