“Ang hindi niyo ginagawa kami ang gumagawa!” Coco Martin bumanat na rin sa Gobyerno

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa pagsasara ng isa sa pinakamalaking estasyon sa bansa na ang Kapamilya Network o ABS-CBN.

Ito’y dahil na rin sa exprie na ang kanilang prangkisa kaya nagpalabas ng cease-and-desist order ang National Telecommunication Commission (NTC) upang ipatigil ang kanilang page-ere.

Kaya naman hindi mapagilan maglabas ng sama ng loob ng mga ilang kilalang artista mula sa kapamilya network, na kung saan sinasabi nila na bakit umano ngayon pang may pandemya na kinakaharap ang bansa doon pa naisipan ipasara ang tv network.

Dahil sa nangyari sa Kapamilya network, walang preno kung bumanat ngayon ang aktor ang leading man ng ‘Ang Probinsyano’ na si Coco Martin sa mga bumabatikos sa ABS-CBN at pati na rin sa mga taong nasa likod ng pagsasara ng naturang estasyon.

“Hindi labanan ‘to ng diplomasya, binabarubal na tayo eh. Kinuha Tinatarantado na tayo eh. Kinuha na bahay (ABS-CBN) natin. Ano i-expect natin? Di Ba? ‘Pagdasal natin sila? Pinagdadasal na natin sila. Tiniis na natin sila. Dapat kumilos tayo. Dapat magsalita tayo. Dapat ang lahat ng mga artista iparinig ninyo nawala sa atin,” saad pa ng aktor.

Sa naging viral video ng aktor, kinuwestiyon niya ang mga tao na nasa likod ng pagsasara ng ABS-CBN, ayon rin sa aktor, isa umano ang kapamilya network sa mga tumutulong lalo na may krisis na kinakaharap ang bansa.

Ibinida rin ng aktor ang mga ginagawang pagtulong ng mga artista sa mga apektado ng krisis sa bansa, na kung saan sinabi nito na kahit umano walang pumilit sa kanila na tumulong ay ginagawa ito ng artista.

“Kaming mga artista, walang nagsabi sa amin at nagpilit kahit buhay namin ang kapalit (sa pagtulong). Kung manonood kayo ng balita. halos lahat ng artista nasa labas… Kasi ‘yung hindi nagagawa ng iba (na pagtulong), kami na ang gagawa, kasi nakakahiya naman sa inyo… Kami pong mga artista at ABS-CBN, kami ang isa sa pinakamalalaking buwis na nagbabayad sa ating bansa,” ayon pa sa kanya.

Rumesbak rin ang aktor tungkol sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na kung saan ikinumpara nito ang ABS-CBN.

“Ano po ba anguunahin natin ngayon? Tanggalin ang kumpanya na tumutulong sa ating kapwa o sugal na pinapasok sa ating bansa. Buti pa ang POGO, pinaglalaban niyo. Itong kumpanya na tumutulong sa tao, pinasara niyo. Ano iyon? Tapos ang mga tao tuwang-tuwa kayo na nawala ng trabaho ang 11,000” saad pa nito.

“Ano sabi ni Harry Roque,’Oh! Pumila kayo sa DOLE’. Eh ang buong Pilipinas nga hindi niyo ma-supplayan… bago matapos ito ay masabi ko kung ano ang totoong nararamdaman ko sa inyo” dagdag pa niya.

COCO MARTIN LIVE, FULL VIDEO

Cardo Dalisay naglabas ng sama ng loob#angprobinsyano#cocomartin#abscbn#abscbnshutdown

Posted by Ang Probinsyana on Friday, May 8, 2020