“Ang ikli ng utak ninyo!” Sari-Sari store owner went viral for criticizing Duterte’s supporter

Naging viral sa social media ang isang sari-sari store matapos nitong batikusin ang mga taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang uploaded video, napag-alaman na dating OFW o Overseas Filipino Worker si Marie Dinglasan, hindi na umano niya matiis ang kanyang pagkadismaya sa pamahalaan at lalo na sa Pangulo at kanyang mga taga suporta.

Kaya naman batikos ang inabot ng mga taga suporta ng Pangulo dahil umano hindi nila iniisip ang kapakanan ng susunod na henerasyon.

“Mga tnga talaga itong mga supporters na’to, mga DDS na’to kung hindi ninyo sinusuportahan ang katr*ntaduhan ay hindi tayo magkakaganyan… gumamit naman kayo ng utak, ano ba ‘yang utak niyo hiniram ni’yo sa tilapia?” saad pa ng ginang sa kanyang uploaded video.

“Hindi niyo kasi inisip ang kapakanan ng mga ka-apo apuhan ninyo, magdudusa pagdating ng panahon, kayong mga DDS walang ka-kwenta kwentang mga Pilipino,” dagdag pa nito.

Itinanggi rin ni Dinglasan na tumatanggap siya ng pera mula sa oposisyon upang siraan ang administrasyong Duterte at ang kanyang mga taga suporta.

“Yung mga nagla-live na nagmumura sa mga anti, nagbabasa kodigo, may nagdidikta at may bayad pa, ako wala.. walang nagbayad sakin, sarili ko ito,” saad pa nito.

Agad naman sinuportahan ng mga oposisyon ang naging pahayag na ito ni Dinglasan at agad nila hinangaan ang ginawa ng dating OFW.