Annabelle Rama bumwelta kay Rep. Marcoleta dahil sa istelo ng pagtatanong kay Gabby Lopez: “Ayaw kong makita sa TV ang pagmumukha mo!”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media si Deputy Speaker Rodante Marcoleta dahil sa kanyang naging pamamaraan ng pagtatanong sa ABS-CBN chairman na si Gabby Lopez.

Matatandaan na tinatalakay ng kongreso ang tungkol sa prangkisa ng isa sa pinakamalaking tv network sa bansa na ang ABS-CBN.

Naging viral rin sa social media ang pag-uutos ni Marcoleta kay Gabby Lopez na i-recite ang Panatang Makabayan sa kasagsagan ng kanyang pagtatanong kaugnay sa citizenship ni Lopez.

Kaya naman hindi nagustuhan ng beteranong aktres at talent manager na si Annabelle Rama ang naging pamamaraan ng kongresista sa citizenship ni Lopez.

Ayon sa kanyang naging twitter post, sinabi nito na bumalik lamang siya sa pag twetweet dahil nadismaya siya kay Marcoleta.

“3 yrs na hindi ako active sa twitter nabuhay ako! Nahilo na ako habang nanonood sa bahay-Mr.Gabby Lopez pa kaya? Hay naku tumaas blood pressure pati na blood sugar ko. Ayaw kong makita sa TV ang pagmumukha ng Congressman na ang haba na ng TV Exposure. UNCLE SAM, DONG??” saad pa nito.

“Pwede ba lahat ng Congressman na walang alam sa itatanong tumahimik nalang or magtanong muna sa lawyer bago pumunta sa Congress. Nakakahiya at nakakabwisit manuod ng hearing. Dong Marcoleta delaying tactics ang ginagawa mo โ€“ lahat kayo gusto lang ma starring sa TV!” dagdag pa ng aktres.

Kwinestiyun rin ni Rama ang pagtatanong ni Marcoleta kay Lopez na i-recite ang Panatang Makabayan.

“Ako isang pinoy na bisaya.Hindi ko alam ang sinasabi ni dong Makuleta.Panatang Makabayan bakit kailangan sa hearing yan?Mga taong bayan at mga botante. Malapit na election alam nyo na kung sino ang iboboto nyo.Nakakatawa kayo Ha ha ha..bwesssssit!” dagdag pa ni Rama.

Hindi rin nakaligtas kay Annabelle Rama si Cavite 4th district Rep. Pidi Barzaga dahil paulit-ulit lamang umano ang kanyang tinatanong.

“Cong. Barzaga inuulit mo nanaman ang tanong tinanong mo na yan last hearing . Ano ba yan! Tama na ihinto mo naaaaa!!” saad pa ni Rama.