Aralin mabuti! Boy Abunda sa ‘house arrest’ ng mga 60yrs old above: “It’s discriminatory to a certain point”

Inanunsyo ng Inter-Agency Task F0rce for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF na muli nilang pag-aaralan ang guidelines para sa mga senior citizens dahil marami ang umalma sa ipinatupad na ‘house arrest’

Matatandaan na inanunsyo ng IATF na ang mga mamamayang edad 60 pataas ay hindi pahihintulutang makalabas ng kanilang mga bahay dahil mas madali silang mahawaan ng COVID-19.

Dahil dito, Ang award-winning telelivision host na si Boy Abunda na isa ring senior citizen natuwa sa inanunsyo ng IATF at sinabing nararapat lang na pag-aralan nilang mabuti ang General Community Quarantine (GCQ) guideline para sa mga senior citizen.

Ayon pa sa TV host isa umano itong discr1iminatory para sa mga senior citizen, kaya mas makakabuti umano kung pag-aaralan muna ito ng mabuti.

“They’re marginalizing a big part of the population, lalo na yung 60 to 65 years old,” sabi niya. Maganda yung intent ng panukala, pero ang pananaw ko, there’s a big chunk of healthy seniors.” sabi pa ni Boy Abunda sa naging pahayag nito sa Cabinet Files.

“And nalaman natin in the past months that COVID-19 just doesn’t att1ack seniors, although vuln3erable sila. Pero kung titingnan mo ang data ay walang piniling edad.” dagdag pa nito.

Mas mabuti umano na pag-aralan ito ng maigi dahil karamihan sa mga namumuno sa gobyerno ay mga senior citizens, kabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte na 75 years old.

“Ang thinking ko ay pag-aralan pang mabuti because leaders of industries, even government and various agencies, are mostly seniors.A lot of the first and second layers of offices or government agencies are seniors.” saad pa nito.

“And these are people who have to move around to be able to implement programs and policies. Sa mga industriya rin, private industries, marami rin.”

“So, in one word, do not marginalize the seniors. Aralin lang na mabuti. To me, it’s discr1iminatory to a certain point” ani pa niya.

Nilinaw rin ng tv host na hindi niya intensyon na kontrahin ang desisyon ng IATF, ngunit mas maigi umano na pag aralan muna ito at huwag maging padalos dalos.

“Kasi ang sinasabi nila, baka mahina na, vuln3erable, mas susceptible. The intent is good, pero sa palagay ko, 60 is the new 50.” saad pa nito.

“Ang dami lang madi-disenfranchise na mga senior who can contribute so much in this time of cr1isis. You have to also remember na most of these decisions are made really quickly. It is our responsibility to react, to respond, and to engage people in healthy conversations.” dagdag pa nito.

“This is not the time also to be divided. This is not also a time to quarrel. I don’t think we should get there. Yung may disagreement tayo, pag-usapan nating mabuti. Pero ako, halimbawa, in normal times, it’s really discr1iminatory. It’s marginalizing healthy seniors,” ani pa nito.

Source: Pep