Arnell Ignacio may mensahe kay Jennylyn Mercado: “Wawasakin ninyo mga careers ninyo”

Naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni Arnell Ignacio laban sa mga artistang nakikisawsaw sa isyu.

Pinayuhan ni Ignacio ang ilang mga artista na huwag makisawsaw o mangkimasok sa pulitika dahil umano masisira lang ang kanilang pinaghirapan na pangalan sa industriya ng artista.

“Payo lang, wag niyo na pasukin ang hindi ninyo linya. You have very successful careers dahil mahusay kayo sa linyang pag-aartista.” sabi pa ni Arnell sa kanyang facebook post.

“Do not ever think the power of popularity will instantly translate into mastery of the political jungle. Wawasakin ninyo mga careers ninyo.” dagdag pa nito.

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ng Kapuso aktres na si Jennylyn Mercado na kung saan nakisawsaw ito sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

“Sa mga taong tuwang-tuwa sa mga pangyayari, huwag niyo sana danasin ang lumuha din at mawalan.”

“Hindi ba tinuruan tayo ng ating mga magulang na maging makatao sa kapwa? Rejoicing because of other people‚Äôs sorrow is not only wrong, but inhumane. You are cruel.”

“If you say that then everyone should be held at the same standard. Huwag muna tayo mag mananita. Ang importante ngayon, ang mga taong nawalan ng trabaho lalo na at pandemya.” dagdag pa nito.

Naging laman rin ng social media ang tungkol sa naging pahayag ng aktres tungkol sa lumulubong utang umano ng bansa at kwenistyun rin nito kung saan napupunta ang mga pera.