Baka mabaliw dahil wala ang Kapamilya show? ABS-CBN says millions of Filipinos mental health is in danger

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa pagsasara sa isa sa pinakamalaking estasyon sa bansa na ang ABS-CBN network.

Matatandaan na nag labas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na naguutos na tumigil sila sa pag-eeri.

Matapos ang ilang araw, naglabas ng pahayag ang ABS-CBN network at naniniwala na ang pagkawala ng mga Kapamilya shows sa buong bansa ay makaka-apekto sa mental health ng mga Filipino.

Ayon sa kanilang inihain na petisyon sa Supreme Court, sinabi nito na ang mga nanunuood ng Kapamilya show tulad ng lang ng “Ang Probinsyano” ay apektado na dahil sa pagkawala ng naturang palabas.

Nakakatulong umano ang kanilang mga palabas lalo na ngayon may pandemya na kinakaharap ang bansa na halos lahat ng tao ay nasa kanilang mga tahanan lamang.

“While the cease and desist order is in effect, millions of avid Filipino fans, who watch ABS-CBN entertainment shows and programs daily, are deprived of this source of leisure and enjoyment,” sabi ng ABS-CBN sa kanilang petisyon.

“Under the extended quarantine conditions, Filipinos are literally in prisn within their homes and are unable to go out. Such difficult constraints will surely add emotional and mental stress that is detrimental to their well-being,” dagdag pa nito.

Mas malaki pa umano ang maitutulong ng ABS-CBN sa pagbibigay ng balita sa publiko, sinabi rin nito na mayroon ilang bahagi ng bansa na ang ABS-CBN lamang ang pinakikinggan ng mga tao.

“With ABS-CBN’s unparalleled reach, it is imperative that ABS-CBN is on air to give timely and reliable information to the public, especially in light of the current public health emergency,”

“In some areas, ABS-CBN operates one of the very few (if not the only) available television and radio stations. For instance, ABS-CBN’s Channel 34 DTTB Station is one of only two TV/DTTB Stations in Nueva Vizcaya, while its D-11-Zz Channel 2 (in) and Channel 11 (out) TV Station is one of only three TV stations in Mountain Province,”

“If this severe financial hemorrhage is not stopped, ABS-CBN may be constrained to eventually let go of workers, reduce salaries and benefits, and substantially cut down on costs and expenses,” dagdag pa nito.