“Batukan mo raw ako?” Pres. Duterte to Trillanes: “Kita mo kung nanalo kayo, ano ang mangyari sa Pilipinas? Puro porma, puro hambog, puro hamon,”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang naging twitter post ng dating senador na si Antonio Trillanes IV.

Sa kanyang tweet, sinabi ng dating senador na babatukan nito si Pangulong Rodrigo Duterte matapos kwestiyunin ng Pangulo ang mga kritiko kung ano ang nai-ambag nila sa bansa.

“Four Trillion ang budget mo, tapos hahanapan mo ako ng ambag? Bat,ukan kaya kita.” sagot ni Trillanes sa kanyang naging social media post.

“A good president, especially in a time of cr1isis, inspires and unifies the nation. He presents his vision and explains clearly his plan of action. He doesn’t joke around nor talk aimlessly, and he never thr3eatens his own people.” saad pa niya.

Dahil dito, agad na sinagot ni Pangulong Duterte ang naging patutsada ng dating senador sa kanyang panibagong national address.

Binalikan ni Pangulong Duterte ang ginawang pagre-rebelde noon ng dating senador, na kung saan sinabi nito na puro hangin lamang ang laman ng ulo ng dating senador.

““Isa pang itong walang alam na ugok ito si Trillanes. Nagsasalita ng trillion-trillion. Trillion na hangin. Trillion of cubic meters of air in your head and it is too tight that is why para kang buang nagsasalita ka ng trillion…” pahayag ni Pangulong Duterte.

“Kaya ikaw ‘yung… P i* pa-rebelde-rebelde ka pa diyan. Hindi ka pala marunong eh. Kita mo kung nanalo kayo, ano ang mangyari sa Pilipinas? Puro porma, puro hambog, puro hamon,” sagot pa ng Pangulo sa naging patutsada ng dating senador.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na ipapasampal niya sa kanyang driver ang dating senador kung sakaling babatukan siya ng dating senador.

“At batukan — batukan mo raw ako? Sabihin ko sa driver ko, sampalin ka. Ang driver ko lang ang utusan ka kay andiyan ka lang. Ang tingin ko sa iyo ka-level mo driver. Ulol,” saad pa ng Pangulo.

Itinaas rin ni Pangulong Duterte ang pabuya na ibibigay niya sa taong makakagawa ng bakuna laban sa kumakalat na virus sa bansa.

“And by the way, ‘yung 10 million ko na sa ating mga scientists dito sa Pilipinas, ‘yung mga doctor, mga ano natin — the bright Filipinos who are there working day and night trying to find out how to c0mbat COVID, I’m raising the bounty to 50 million. Fifty million ho ang ibigay ko sa grupo because it is a collegial thing, hindi naman sa isang tao, ah 50 million. Baka ‘pag sa ligaya ko, another 50 million,” saad pa ng Pangulo.

Source: PCOO