Bistado ang tunay na kulay! Ligo Sardines owner nagdonate ng 20,000 cans of sardines sa opisina ni Robredo

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang naging pahayag ni Mikko Lawrence Tung na nag mamay-ari ng Ligo Sardines sa bansa.

Matatandaan na binatikos ng mga netizen at mga taga-suporta ng Pangulo si Lawrence Tung matapos nitong maglabas ng pahayag laban sa pamahalaan.

Sa kanyang naging pahayag, hinakayat nito ang mga private sectors na huwag ibigay ang kanilang mga donasyon sa gobyerno.

“Ligo Sardines will be making its donations directly to the hospitals, and different NGOs leading the fight against Covid-19.”

“Let us learn from our mistakes. Do not give it to these (clowns). We will do a lot more good on our own than trusting our donations with the government. This is theft right before very eyes,” saad pa nito sa kanyang naging facebook post.

Dahil sa kanyang naging pahayag, agad na binatikos ng mga netizen at taga-suporta ng Pangulo ang kanyang naging pahayag at agad na nanawagan na i boycott ang Ligo Sardines.

Agad naman nilinaw ni Mikko Lawrence Tung na ang kanyang naging pahayag laban sa pamahalaan ay personal na opinyon lamang.

“I would like to clarify that the opinions i post on my private accounts reflect my personal opinions and mine alone. They do not in any way reflect that of the Ligo Brand and the company.”

“Ligo is committed to serve and aid the Filipino people during these trying times. May we all get through this together by God’s grace.” saad pa nito.

Upang makatulong sa mga tao at sa mga apektado ng COVID-19 sa bansa, Nagbigay ng mahigit 20,000 cans of sardines ang Tung Family sa opisina ni Vice President Leni Robredo.

“[A] Taos-pusong pasasalamat po sa ating mga kaibigan sa Ligo Sardines (Philippines), na nagpadala sa ating Tanggapan ng 20,000 cans ng kanilang produkto ngayong araw” pahayag ni Robredo sa kanyang facebook page.

“Sa ating pagtutulungan, mas marami sa ating mga kababayang nangangailangan ang ating maaabot. Maraming salamat po sa bukas-palad ninyong pakikiisa sa gitna ng panahong ito.” dagdag pa nito.