Blogger to Regine Velasquez: “Do not sway public opinion by gaining sympathy, hindi po yun nakakatulong sa paglutas ng kaso”

Naging viral sa social media ang naging komento ng asia’s songbird Regine Velasquez Alcasid tungkol sa posibleng pagsasara ng ABS-CBN TV Network.

Sa kanyang instagram post, inisa-isa nito ang mga posibleng mawala at mga tv series na hindi na mapapanuod ng mga Pinoy kung sakaling magsara na ang istasyong ABS-CBN.

Kaya naman agad na sinagot ng kilalang taga suporta ng Pangulo na si Noel Landero Sarifa ang mga sinabi ni Regine tungkol sa posibleng mawala kung sakaling tuluyan nang magsara ang ABS-CBN.

Sa kanyang facebook post, sinabi ni Sarifa na hindi basic necessity ang panonood ng TV at lalo na sa istasyong ABS-CBN. Kaya hindi ito nakikita ni Sarifa na isang malaking kawalan para sa mga Pinoy.

“Hinahangaan ko po kayo sa pagkanta pero sana maisip mo na hindi po basic necessity ang panonood ng TV, lalong lalo na ang ABS-CBN. Sa pagkakaalam ko ang basic needs’ ay food, water, clothing and shelter, sanitation, education, and healthcare, hindi po kasama doon ang ABS-CBN.” saad ni Sarifa sa kanyang facebook post.

Ayon pa sa kanya, hindi umano ang panonood ng teleserye sa ABS-CBN ang nagbibigay ng pagkain sa mga Pilipino.

“Hindi naman po kami magkakaroon ng bigas sa plato kapag nanood kami ng show ni vice ganda, hindi naman po kami malilibre ng pamasahe papasok sa trabaho kapag nanoood kami ng kathniel.”

“Ni isang episode ng probinsyano wala po akong napanood, buhay naman po ako, at sakto naman sahod ko. Wala naman kayo sa ASAP ng ilang dekada, nakakanta naman po kayo. Love thy woman? Ano po ba yun? Hindi po ako nanonood ng teleserye, humihinga pa naman po ako.”

Ayon pa kay Sarifa, Stress lamang umano ang ibinibigay ng ABS-CBN lalo na sa kanilang pagbabalita dahil puro negatibong balita at paninira sa gobyerno ang kanilang ginagawa.

“Ngunit ang higit umanong maaapektuhan ika nyo ay ang news program sa pagkawala ng ABS-CBN, kung puro naman po negatibong balita, paninira sa gobyerno at bias na reporting, ok lang po mawala. Bawas stress sa aming mga Pilipinong nagmamahal sa bayan.”

Basahin ang kanyang facebook post sa ibaba:

Miss Regine,

Hinahangaan ko po kayo sa pagkanta pero sana maisip mo na hindi po basic necessity ang panonood ng TV, lalong lalo na ang ABS-CBN. Sa pagkakaalam ko ang basic needs’ ay food, water, clothing and shelter, sanitation, education, and healthcare, hindi po kasama doon ang ABS-CBN.

Hindi naman po kami magkakaroon ng bigas sa plato kapag nanood kami ng show ni vice ganda, hindi naman po kami malilibre ng pamasahe papasok sa trabaho kapag nanoood kami ng kathniel.

Ni isang episode ng probinsyano wala po akong napanood, buhay naman po ako, at sakto naman sahod ko.

Wala naman kayo sa ASAP ng ilang dekada, nakakanta naman po kayo. Love thy woman? Ano po ba yun? Hindi po ako nanonood ng teleserye, humihinga pa naman po ako.

Sawang sawa na po ako sa TALA naglipana sila sa facebook, kahit libre po ang KathNiel, LizQuen at MayWard di rin po ako nanonood.

Ngunit ang higit umanong maaapektuhan ika nyo ay ang news program sa pagkawala ng ABS-CBN, kung puro naman po negatibong balita, paninira sa gobyerno at bias na reporting, ok lang po mawala. Bawas stress sa aming mga Pilipinong nagmamahal sa bayan.

Wag na po nating lagyan ng drama ang lahat ng ito, sa lahat po ng artista at empleyado ng ABS-CBN, hayaan nyo pong ang abogado ninyo ang sumagot sa mga allegation, kung wala naman kayong violations tulad ng sinasabi ng inyong network, ano po ang kinakatakot ninyo? Saklaw po ng saligang batas ang inyong kumpanya, hindi po sila above the law. The network has 10 days to answer the allegations, prove ABS-CBN’s innocence and tapos po ang usapan, kapag hindi napatunayan, face the consequence. Ganun lang po kadali yun. Do not sway public opinion by gaining sympathy, hindi po yun nakakatulong sa paglutas ng kaso.