Businessman Francis Leo Marcos sinagot ang mga bumabatikos sa kanya tungkol sa relasyon niya sa Marcos clan

Kamakailan lamang ay naging laman ng social media ang isang businessman na si Francis Leo Marcos matapos nitong mag viral dahil sa kanyang ginawang pagtutulong sa mga mahihirap.

Pinuri ng mga netizen ang ginawang kabutihan ni Francis Leo sa mga mahihirap na apektado ng Enchaced Community Quarantine.

Sa kanyang facebook live video, sinabi nito na nakuha niya ang pagiging matulungin kay dating President Ferdinand Marcos Sr. at kay former first lady Imelda Romualdez-Marcos.

“Ang akin pong ina ay pinalaki ako… ang akin pong ina ay sobra ang paghanga, I’m a Marcos, and it so happened that there is a Marcos in politics, yun po yung hinahangan ng magulang ko na babae, hindi ko naman pwedeng kontrahin yung nanay ko dahil napakabuti niya pong ina sa akin,” saad pa ni Marcos sa kanyang live video.

“Me and my family are inspired for those good deeds and good things na ginawa po ni former President at former First Lady,” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag rin ni Francis Leo na ang hangarin niya lamang ay ang tulungan ang mahihirap lalo na sa panahong ito, at wala siyang ibang pakay na masama.

“My intention is clear, I’m challenging the rich people out there to accept my challenge because I could not help our country alone, I’m just a private individual, its so happened that I am a Marcos, yun po yun, and yung nanay ko po ay inspired by doings of President Marcos and the first lady,” saad pa nito.

“Pinalaki po ako na yun akin pong adbokasiya ay inspired by the very good deeds of the first family,” dagdag pa ni Marcos.

“If you ask me ‘how you are related to the first family?’ I’ll just simply said, it is a ‘PRIVILEGE COMMUNICATION’, but I have not the liberty to divulge any information pertaining to the first family,”

“Pero po yung aking aspiration ay nagmula sa kanila,” saad pa niya.

Matatandaan na kahapon lamang ay marami ang bumatikos kay Francis Leo Marcos dahil umano sa kanyang apelyido.

“To all the people asking me about Mr. Francis Leo Marcos he is not related to me nor to my family po he’s real name is “Norman Mangusin” thank you,” saad pa ng isang myembro ng Romualdez-Marcos clan.