Cebuana beauty queen actress Pilar Pilapil appeals to the Filipino people : “Ginagawa ito ng gobyerno upang proteksyunan kayo at upang makontrol ang virus”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang naging pahayag ng Cebuana beauty queen at aktres na si Pilar Pilapil na kung saan hinihikayat nito ang mga Filipino na sundin ang ipinatupad na Enchanced Community Quarantine sa kanilang mga lugar.

Sa facebook post ng CDN Digital page makikita ang ang aktres na nananawagan sa kapwa pinoy na sundin ang mga ECQ na ipinatupad dahil para ito sa kapakanan ng bawat Filipino.

Ayon pa sa aktres, kaya ito ipinatupad ng gobyerno upang makontrol ang COVID-19 na kumakalat sa bansa, at upang maproteksyunan na rin ang bawat Filipino sa naturang virus.

Hindi rin dapat gawing katuwaan at baliwalain ang naturang virus dahil sa buhay ang nakasalalay dito kaya mas makakabuti na sundin ang mga ipinatupad na batas ng gobyerno para labanan ang naturang sakit.

Hindi lang umano sa Pilipinas ang may ipinatupad na batas upang labanan ang COVID-19 kundi pati na rin sa ibang bansa at sa buong mundo, kaya nararapat lang umanong makiisa ang bawat Filipino upang mas mapabilis ang pagkawala ng naturang sakit.

Hinikayat rin ng aktres ang mga Filipino na magbalik loob sa Panginoon at ibuhos ang kanilang mga oras sa kanilang mga Pamilya lalo na ngayon nasa Enhanced Community Quarantine ang bansa.

WATCH: Cebuana beauty queen and esteemed actress Pilar Pilapil appeals to the Filipino people to strictly follow the provisions of the enhanced community quarantine (ECQ) in order to contain the spread of COVID-19 that is currently wreaking havoc on the nation. | via Mustard Seed Multimedia Production, Events & Talent Management Company

Posted by CDN Digital on Friday, April 17, 2020

Ang naging pahayag na ito ng aktres ay umani ng papuri sa mga netizen at hinangaan ito ng mga netizen dahil sa kanyang pagbibigay ng mensahe sa mga Filipino.

“Very well said po Madam Pilar so please people stay at home and observe the social distancing. God bless us all follow the govt advice especially the advice DOH.” saad pa ng isang netizen na nakapanuod sa video ng aktres.

“God bless you din po Madam Pilar Pilapil well said po thank you pofor the concern missed you and your movies po” saad pa ng isang netizen.

“Thank You for your insight and prospective maam.i really hope everybody got the message.God bless you din po.” saad pa ng isang netizen.

Ang facebook post na ito ng CDN Digital page ay umani na ng mahigit 8,000 reactions mula sa netizens at mahigit 4,4k shares.