Coco Martin nauubusan na ng endorsement dahil sa kanyang social media posts laban sa netizen – Columnist

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang pagsasara ng isa sa pinakamalaking estasyon sa bansa na ang ABS-CBN o mas kilala sa tawag na Kapamilya network.

Ito’y kasunod na maglabas ng cease-and-desist order ang National Telecommunication Commissions upang ipagtigil ang pag-ere ng naturang estasyon dahil natapos na ang kanilang prangkisa.

Marami ang nagpahayag ng kanilang mga suporta sa naturang estasyon, isa na nga jan ang mga kilalang personalidad na sina Angel Locsin, Coco Martin Vice Ganda at marami pang iba.

Naging laman ng social media ang naging social media post ng aktor na si Coco Martin na kung saan halos binatikos na nito ang pamahalaan ang mga nasa likod ng pagsasara ng ABS-CBN.

Marami ang bumatikos sa aktor dahil pati ang mga netizen ay tinitira na nito ng mga masasakit na salita dahil lamang sa suportado nila ang pagsasara ng naturang estasyon.

Dahil dito, sinabi ng isang columnist na ang aktor na si Coco Martin ay unti-unti na umano nawawalan ng mga endorsement.

Ayon kay Abante columnist na si Ambet Nabus, sinabi nito na ang dahilan umano ng pagkawala ng mga endorsement umano ng aktor ay dahil sa kanyang naging social media post laban sa mga kritiko.

“Meron pa nga kaming narinig na meron umano itong mga on-going endorsements at supposedly “big summer product launch,” na nauwi sa wala at mauuwi sa wala dahil mismong mga kliyente nito ang grabeng na-turn off sa ginawi ng akor na in fairness naman ay humingi ng apology,” saad pa ng columnist na si Nabus.

Ayon pa sa naging article ni Nabus, ginagawa umano ng kampo ng aktor ang lahat ng kanilang makakaya para lamang maibalik ang imahe ng aktor matapos ang kanyang mga social media rants.

Source: Abante