Darna laban sa Darna! Angel Locsin reacts to Jane De Leon post calls her ‘disgusting’

Kahapon lamang ay naglabas ng pahayag si Jane De Leon ang bagong ‘Darna’ na kung saan ipinaliwanag nito kung bakit hindi siya sumasama sa mga rally na isinasagawa ng mga empleyado ng ABS-CBN.

Ipinaliwanag ng bagong ‘Darna’ na si Jane De Leon kung bakit hindi siya sumasali sa mga rally na isinasagawa ng mga empleyeado ng ABS-CBN katulad ni Angel Locsin.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni De Leon na pati siya ay naapektuhan sa nangyari sa ABS-CBN, ngunit naniniwala ito na hindi sukatan ang pakikilahok sa mga rally bilang suporta sa ABS-CBN.

“Masakit po sa akin ang nangyari sa ABS-CBN dahil pangalawang tahanan ko na rin po ito na syang nagbigay sa akin ng mga opportunities to gradually reach my goals in life, na unti-unting nagpabago sa buhay ko at ng aking pamilya. And I will forever be thankful sa ABS-CBN and its management,” saad pa nito.

“My support to the current crisis that the network is facing right now is not just measured by going out in the streets in this time of the pandemic,” dagdag pa ng aktres.

Dahil dito, Agad na naglabas ng panibagong pahayag si Angel Locsin na kung saan tinawag niya ang naging paliwanag ni De Leon bilang ‘purely disgusting’.

“No one asked you to go to a rally. Obviously, you don’t need to go out to use your voice for the voiceless,” saad pa ni Angel Locsin.

“But making up an excuse to save face at the expense of those who are fighting for their lives is purely disgusting,” dagdag pa Angel Locsin.

Kahapon sa naging pahayag ni De Leon ipinaalalahan nito ang mga tao na may mas malaking kinakaharap ang bansa ngayon.

“However, let us not forget that in the bigger picture, we are still at risk because we all have an invisible enemy to deal with. Our health and that of our loved ones are at stake. As the COVID infection rate in our country continues to rise, hospitals and facilities are nearing, if not reached, full capacity,” saad pa nito.

“Let’s not forget that our Frontliners continue to face life and death situation as they are being challenged in saving more lives. Dadagdag pa ba tayo sa lumolobong bilang at patuloy na pagtaas ng COVID cases sa bansa?” dagdag pa niya.

Sinabi rin nito na pwede parin magpakita ng suporta ang mga tao sa Kapamilya network kahit na hindi sila nakikilahok sa mga isinasagawang rally.

“Masama po bang maging positibo lang sa ating pananaw sa kabila ng kahirapan at paghihinagpis? I don’t believe that its fair to stop doing things you ought to be doing everyday just because of the negative situations around us.”

“Even if the world stops, we still have to keep moving forward,” De Leon said, “Wag po sanang mangibabaw ang galit sa ating puso, bagkus ay pairalin parin natin ang respeto sa isa’t isa at umasang malalampasan din natin lahat ito,” dagdag pa nito.