Daryl Ong tinanggal dahil sa kanyang komento sa ABS-CBN “Si Presidente ba naman ang kalaban so malabo na yan!”

Naging viral sa social media ang isang uploaded video ni Filipino Singer at songwriter na si Daryl Ong matapos nito ibinunyag na hindi na siya konektado sa ABS-CBN.

Sa kanyang uploaded video, sinabi nito na tinanggal umano siya ng ABS-CBN dahil sa kanyang naging komento tungkol sa usapin ng prangkisa ng naturang istasyon.

Ibinahagi ni Ong ang totoong nangyari at kung bakit siya tinanggal sa ABS-CBN. Ikweninto ni Ong na nasa Iloilo sila ng kanyang mga kapwa singer na sina Bugoy Drilon at Michael Pangilinan.

Nag uusap umano silang tatlo ng mga pwedeng pasukin na mga negosyo katulad na lamang ng pag invest sa stock market.

Ang kwentuhan umano nila ay napunta sa usapin tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN at ipinakita umano ni Drilon ang isang online petition at nagpahayag ito ng kanyang suporta sa ABS-CBN.

“Sabi ni Bugoy na 60 thousand na lang yung kulang para mabuo yung 1 million. Ako naman nakita ko rin yun, ang pagkakakita ko naman 60 thousang pa lang yung nagsasign.. May deadline po kasi yun… So sabi ko kay Bugs, wala na ‘yan malabo na ‘yan, hindi na yan aabot kasi 60 thousang pa lang at anong petsa na…” saad pa ni Daryl Ong.

“Tapos nagdagdag ako ng comment na sabi ko mahirap yan, naku malabo na yan mahirap yan, kalaban ba naman nila ang gobyerno, si Presidente ba naman ang kalaban, so malabo na yan,” dagdag pa nito.

Sa kasamaang palad umano ang usapin nilang magkakaibigan ay nairecord pala ng isang lalaki na kaiban ang mga big boss sa abs-cbn.

“Hindi po namin alam na ‘yung isang katabi namin sa table, ‘yung sinasabi ko na isang lalaki pa, akala ko kasi, kaibigan ‘yun nung babae na ka-kwentuhan namin na dating nagwo-work sa ABS… It turns out hindi niya pala kilala ‘yun,”

“So nire-record pala kami, ‘yung usapan namin, hindi namin alam,” saad pa nito.

Matapos ang kanilang show sa Iloilo, napagalaman ni Ong na ang kanilang kwentuhan magkakaibigan ay narinig ng kanilang mga big boss sa aBS-CBN.

“ayun lumipad na kami patungong Iloilo nag show na kami, tapos bigla ‘yung road manager namin parang aligaga, bigla siyang panic mode bigla siyang lumabas, tinawag kami ni Bugoy, so ‘yung nasa phone, ‘yung manager namin si ate Kaye, hindi niya kami pinagalitan pero sobrang alalang alala siya kung ano ang mangyayari,” kweto pa ni Ong.

“yung guy na nag record sa conversation namin about sa franchise issue ay kaibigan pala ng isa sa mga big boss sa ABS-CBN so apparently, pinarinig ‘yung recording ang dating sa kanila wala kaming utang na loob, or pinag uusapan namin ‘yung franchise issue na wala kaming concern, parang ang dating sakin ang impression sa kanila, ay kumakampi kami sa fact na hindi mare-renew ‘yung license,” dagdag pa nito.

WALA NA AKO SA ABS-CBN/KAPAMILYA NETWORK DAHIL…

Posted by Daryl Ong Covers on Monday, June 15, 2020