Dating aktres ng ABS-CBN may isiniwalat tungkol sa nangyayari sa kapamilya network

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang isang nagpakilalang dating aktres ng ABS-CBN na kung saan may ibinulgar ito tungkol sa kapamilya network.

Matatandaan na naging laman ng social media ang tungkol sa pagsasara ng isa sa pinakamalaking estasyon sa bansa na ang ABS-CBN.

Marami ang nagpahayag ng kanilang mga suporta sa naturang estasyon, kasama na ang mga kilalang mga artista na nagpahayag ng kanilang mga saloobin tungkol sa nangyari.

Ngunit may iilan mga istorya rin ang naging viral sa social media na kung saan kwento ng mga dati umanong empleyado ng naturang estasyon.

Isa na nga jan ang viral video na isang babae na nagpakilalang dating taleng ng ABS-CBN. Sa kaniyang uploaded video ibinahagi nito ang kondisyon sa trabaho na nararanasan ng mga maliliit na mga artista tulad niya.

Hindi rin nito pinalagpas na batikusin ang mga kilalang artista o personalidad dahil wala umano silang pakialam sa mga minor talents.

“Kayo bang malalaking artista, may alam ba kayong ganyan? Wala! Kasi malalaki ng ang mga ulo niyo,” sabi pa nito sa kanyang video.

“Umaga dumating kami! ‘Yung mga talent mayroon space pero ‘yung mga batang background walang space. Kinausap ko yung AP. Sabi ko, ‘baka mayroon kayong upuan para sa mga nanay. kasi yung mga nanay nakasalampak sa lupa, kalang-kalang ang mga babies. Eh maliliit pa sila, buti na lang malalaki na yung mga bata.’,”

“Ay naku wala kaming extra para sa kanila, eh mga extra lang naman ang mga iyan’. Nagulat ako sa reaksyon niya… Alas-3 ng hapon, umulan. Naulanan ang mga bata at magulang na nakasalampak doon,” dagdag pa nito.

EX ABS CBN ACTRESS IBINUNYAG ANG MGA NAGAGANAP SA LOOB NG NETWORK

EX ABS CBN ACTRESS IBINUNYAG ANG MGA NAGAGANAP SA LOOB NG NETWORK

Posted by Trending News Today on Saturday, May 23, 2020