Dating Desk Editor-Manager ng ABS-CBN may mensahe sa mga artista: “Huwag na tayong MANISI ng ibang tao o ng Gobyerno”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa tuluyang pagsasara ng ABS-CBN na isa sa pinakamalaking estasyon sa bansa.

Ito’y matapos mag desisyon ang kongreso na hindi bibigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN dahil umano sa dami ng nilabag nilang batas.

Naging viral rin sa social media ang isang facebook post ng nagpakilalang pioneer sa ABS-CBN simula nung mga Lopezes na ang may hawak ng network.

Sa facebook post ni Joey Falcon, dahil umano sa kanilang ginawang collective efforts naging tanyag ang Channel 2 at DZMM sa bansa.

Tinuring din umano sila na mga bayani ng mga katrabaho nila sa network dahil sa kanilang ginawa. Ngunit kalaunan ay tinanggal rin sila sa ABS-CBN.

“Kabilang ako sa GRUPO na nagsimula sa ABS-CBN nang mapasakamay uli ito ng mga Lopez noong 1986. Dahil sa aming pagpupunyagi, naging no,. 1 sa ratings ang Channel 2 at DZMM.” kwento pa ni Falcon sa kanyang facebook post.

“Dahil dito, heroes ng staion ang tingin nila sa amin, lalo na si “Kapitan” Geny Lopez. Pero noongn July 2005 (wala na noon si Kapitan R. I. P.) bigla kaming ipinatawag isa-isa ng management.”

“300 kaming REGULAR EMPLOYEES na pinag file ng resignation o early retirement. Sinabihan kami ng umaga, kinahapuman… DONE.” dagdag pa nito.

Ayon pa sa kanya, isa umano si Maria Ressa sa mga sumusulong para sa kanilang retrenchment.

“Kasama si MARIA RESSA, sa nag push para sa aming RETRENCHMENT. Redundant daw kami, eh kami ang nauna. At may COST CUTTING daw kaya inuna kami na matataas ang sahod.” saad pa nito.

“Sa araw ding iyon may “WALKING PAPERS” na kami, with some amount of compensation, with the warning na hindi kami pwedeng mag APPLY sa ibang company within ONE YEAR” dagdag pa nito.

BASAHIN ang kanyang facebook post sa ibaba:

Kabilang ako sa GRUPO na nagsimula sa ABS-CBN nang mapasakamay uli ito ng mga Lopez noong 1986.

Dahil sa aming pagpupunyagi, naging no,. 1 sa ratings ang Channel 2 at DZMM.

Dahil dito, heroes ng staion ang tingin nila sa amin, lalo na si “Kapitan” Geny Lopez.

Pero noongn July 2005 (wala na noon si Kapitan R. I. P.) bigla kaming ipinatawag isa-isa ng management.

300 kaming REGULAR EMPLOYEES na pinag file ng resignation o early retirement.

Sinabihan kami ng umaga, kinahapuman… DONE.

Kasama si MARIA RESSA, sa nag push para sa aming RETRENCHMENT.
Redundant daw kami, eh kami ang nauna. At may COST CUTTING daw kaya inuna kami na matataas ang sahod.

Sa araw ding iyon may “WALKING PAPERS” na kami, with some amount of compensation, with the warning na hindi kami pwedeng mag APPLY sa ibang company within ONE YEAR

Yung mga may reklamo dumulog sa DOLE at sa Korte. Pero walang sumigaw ng “PAANO NA KAMI” walang “NAGLUPASAY” walang nag rally.

Pero after 15 years, heto BUHAY PA RIN KAMI. Kahit hindi kami “NAGPA AWA” effect, hindi kami nag DRAMA na parang TELE NOVELA.

Huwag na tayong MANISI ng ibang tao o ng Gobyerno.
Kasalanan ito ng mga NAGPABAYA.

Salamat,

Joey Falcon
Radyo Patrol #6