Dating DZMM reporter ibinulgar kung paano siya pinag-initan at inabuso ng ABS-CBN: “Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa pagsasara ng isa sa pinakamalaking estasyon sa bansa na ang Kapamilya Network o ABS-CBN.

Ito’y dahil na rin sa exprie na ang kanilang prangkisa kaya nagpalabas ng cease-and-desist order ang National Telecommunication Commission (NTC) upang ipatigil ang kanilang page-ere.

Kaya naman hindi mapagilan maglabas ng sama ng loob ng mga ilang kilalang artista mula sa kapamilya network, na kung saan sinasabi nila na bakit umano ngayon pang may pandemya na kinakaharap ang bansa doon pa naisipan ipasara ang tv network.

Ngunit may ilan rin na dating nagtatrabaho sa ABS-CBN ang naglabas ng kanilang mga istorya tungkol sa Kapamilya network.

Isa na si dating DZMM reporter na si Izza Reniva-Cruz na kung saan isiniwalat nito ang ilang detalye tungkol sa kanyang naranasan habang nagtatrabaho sa ABS-CBN.

Narito ang kanyang unang pahayag

May6, 2020
My heart bleeds for my true & beloved friends in abs cbn who are now jobless( temporarily, i hope). 14yrs din akong tapat na naglingkod sa abs cbn. Dun na ako nagka-kumare..bffs..parang magkakapatid!

Mahirap talagang mawalan ng trabaho sa isang iglap! Yung natulog ka lang nung gabi tapos pagising mo kinabukasan e wala ka na palang trabaho! I remember back in 2005….dzmm reporter ako na naka-assign sa Malacanañang; si Gloria Arroyo pa ang Pangulo ng bansa noon. Kadarating ko pa lang ng Palasyo dakong 9am nang biglang rumadyo sa motorola (hand-held radio and gamit ng reporter noon) ang noo’y desk editor na si Gerry Baja at ang sabi’y bumalik daw ako sa home base (abs-cbn) at dumerecho daw ako sa 2nd flr. at naghihintay na sa akin doon si Angelo Palmones (dzmm station manager ). Nanginig bigla ang tuhod ko..ang lakas ng kaba ko! Dahil umiikot ang balita noon sa abs cbn tungkol sa pagbabawas ng mga empleyado. Yun nga lang, kampante ako na hindi ako apektado dahil regular akong empleyado. Pumasok ako sa abs cbn ng 1991. At karaniwan e ‘last in first out’ ang kalakaran at depende sa hawak mong posisyon . Sumunod ako sa utos at bumalik ng himpilan..derecho 2nd flr. at doon nakita kong nakaupo’t naghihintay sa akin si Angelo Palmones at isang taga HR (human resources). Tinanong ko bakit ano ang pagmi-mitingan…biglang ipinakita sa akin ang isang papel na nakasaad na “YOUR POSITION HAS BEEN DEEMED REDUNDANT”. Ha? tanong ko “panong naging redundant e eksakto lang ang bilang ng reporter sa mga assigned agencies AT napakahalaga ng aming posisyon sa organisasyon! Sagot ni Palmones “hindi ko alam ate.” Sagot din ng taga-HR “hindi ko rin alam e”. Sabi ko kung pwedeng hindi ko muna pirmahan ang dokumento dahil sasangguni muna ako sa abogado. Ang sagot ni Palmones:” KAHIT HINDI MO PIRMAHAN YAN… at KAHIT PUMASOK KA PA….WALA KA NA SA SCHEDULE! Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa…at pilit pa nyang kinukuha ang issued celfone ko. Naglalakad ako papunta ng basement parking ng walang ulo. TALAGANG MASAKIT MAWALAN NG TRABAHO SA ISANG IGLAP…lalo na kung alam mong pinag -initan ka lang. 💥Sa part 2, ikukwento ko kung bakit ko nasabing pinag initan ako.

Part 2

May6, 2020 Here is my Part 2….
Alam n’yo, akala ko kaya ko ng isulat ito nang walang emosyon…pero hindi pa pala! Bumabalik ang tindi ng sakit! Umiiyak pa rin ako habang sinusulat ko ang istorya ko. Matagal kong pinag-isipan :” should i or shouldn’t i share my story…..should i mention the names of those who did me wrong?”
My conscience dictates: SPEAK THE TRUTH EVEN IF YOUR VOICE SHAKES!

…so pano ko nasabi na mainit sa akin ang mga boss ng dzmm noong mga panahong iyon? At pano ko natunugan na isa ako sa pilit nilang sisipain palabas ng abs cbn?!

….ilang buwan bago tumunog ang isyu tungkol sa mahiwagang BROWN ENVELOPE, bigla akong nakatanggap ng tawag (as early as 6:30am working day) mula kay Angelo Palmones na noon ay dzmm station manager.
Ang sabi nya sa akin :” izza, nag-oofer ang abs cbn ng early retirement; triple ang ibibigay. Baka interesado ka? Ang sagot ko: “hindi ako interesado. mahal ko ang career ko. “ Akala ko wala lang yun altho kataka-taka bakit early morning e yun ang bungad nya sa akin. Lumipas ang ilang linggo, bigla na namang tumawag si Palmones habang nasa Malakanyang ako. Ang sabi niya :” Izza, pagkatapos mo dyan, pwedeng dumaan ka sa opisina ko?”. Ang sagot ko:” sori Angel pero masama pakiramdam ko. Uuwi na ako after my duty.”

Sa malas naman…bigla akong nagkaron ng flu kaya mga tatlong araw din akong naratay. Pero ika-apat na araw, naririnig ko sa motorola ang biruan ng mga kapwa ko reporters tungkol sa ‘mahiwagang brown envelope’.
Para sa kaalaman ng nagbabasa nito, ang BROWN ENVELOPE ay naglalaman ng termination papers na nagsasabing redundant ang post mo. Ito ang SSP (special separation package).

Anyway, sa nerbyos ko na baka kung ano na nangyayari sa istasyon ay nagpilit akong bumangon kahit masama pa pakiramdam ko at wala pa ako halos boses. I called the desk officer on-duty (gerry baja)..and i told him , i am reporting back for work.

[kalakaran kasi na kapag back to work ka na after a long absence na aabisuhan ang desk para yung driver mo ay ibabalik syo at ang rumelyebo syo ay ibabalik na sa dati nyang assignment].

Pero laking gulat ko nung sabihin ni gerry baja na:” ‘30’, (that’s my call sign in the patrol…i am radyo patrol 30).. bago ka pumasok e kakausapin ka daw muna ni Peter Musngi ( then VP for Radio) or si Angelo Palmones (dzmm station manager). Nagulat ako! Sabi ko “gerry, nag aadvise lang ako na papasok nako after my sick leave. Bakit kailangan ko pang kausapin muna si Peter or Angelo? Sagot niya: “di ko alam e”.

So i opted to talk to the one higher in rank…so i called Peter Musngi. Sabi niya “lunch tayo Izza sa ELJ bldg. “ I arrived ahead of him. Approaching pa lang sya sa table, nakataas na dalawang kamay niya saying “wala akong hawak na brown envelope ha!” Sabi ko “of course ! Bakit mo naman ako bibigyan ng brown envelope”. Pero while we were eating, turo siya ng turo sa mga taong kumakain sa ELJ, saying “ alam mo yung lalaking yun.. nag avail siya ng early retirement at ang laki ng nakuha nya”… So nainis ako sabi ko “why do u have to tell me that? Ano ba ang lunch na ito? Sabi niya “wala lang Izza..kwentuhan lang. Saka bukas pwede ka ng magreport for work. Back to the Palace ka na.

Takang-taka ako sa meeting na yun. Kindda weird, i told myself.

Normal na tumakbo ng ilang linggo ang duty ko sa Palasyo….nang bigla na namang tumawag si Peter Musngi. Nairita na ako. Naka-tatlong tawag ata siya pero magkakalayo ang petsa. I told him “why do you keep on pushing this issue on early retirement? I love my job; i love my career! Wala pa ako sa edad ng retirement! Bakit ka ba tawag ng tawag?

I thought that exchange ended it all pero hindi pala. Ang sumunod na pangyyari ay yung ginawa na sa akin ni angelo palmones na inihain ang isang dokumento na magsasabing ‘redundant ang aking pwesto bilang malacañang reporter. Pinag-planuhan nila ako. Hindi talaga tumigil si Angelo Palmones at Peter Musngi hanggang hindi ako sumadsad sa lupa.
ANO ANG DAHILAN? Bakit sila ngitngit na ngitngit sa akin?

Sa part 3 ikukwento ko .Magpapahid muna ako ng aking luha. It’s all coming back to me now. Ang sakit!😔😥

Part 3

May6, 2020 Here’s my Part3.
Back in 2005, I was then the Vice President of the Supervisors’ Union of Abs-Cbn. Bago ko narating ang pwestong ‘yan ay naging kalihim ako ng Rank & File Union ng nasabing istayon, taong 1992 kung hindi ako nagkakamali. Pero ibang istorya naman yan kung bakit ako namulat at naging aktibo sa unyon.

Dito muna tayo sa pagiging VP ko ng Supervisors’ Union. Habang naka-pwesto pa kami ay walang nakakagalaw sa amin. Una, alam namin ang batas…ikalawa, maayos ang aming relasyon sa management. Meron kaming monthly meeting kung saan nailalahad namin ang mga problema ng mga union members laban sa kani-kanilang dep’t. heads , etc. Pati ang aming paghaharap sa negotiating table ay maayos. Sinusunod ng magkabilang panig ang mga official agreements.

Hanggang sa may nagparating sa amin at unti-unti naming pinag-aralan, ang ilang anomalya sa dzmm. Ipinarating namin ito sa kataas-taasan (gabby lopez and freddie garcia). The issue lingered on hanggang inabutan na kami ng CBA (collective bargaining agreement) that will cover the security and increases for the next 3yrs. of regular employees (supervisors). So maghaharap na naman kami ng management . Pero sa kalagitnaan nito ay nagkaron kami ng hindi pagkakaunawaan ng mismong pangulo ng aming unyon. Peronally, pakiramdam ko e hindi matibay ang aming stand sa mga issues ‘di tulad ng dating mga paghaharap. Napikon ako (sabi nga pikon, talo!) at nagdesisyon akong magbitiw bilang opisyal ng unyon. Sumunod ang ilang kasamahan ko….at dito na nagsimula ang aming kalbaryo. Ika nga.. nakabutas ang kalaban! And the rest is history.

I hope you come across personal stories of my colleagues, too here on FB. Kung pano muntik na nilang tapusin ang buhay nila O sila ang umutas ng buhay ng mga nang-api sa kanila.

It took me two weeks to decide of i will fight till the end. My mom+ advised me to forgive and move on; wala rin naman daw kaming laban dahil pader ang aking kakabugin! ..But after two weeks i decided to call Atty. Allan Paguia+ . He helped me and assigned me to Atty, Bancil+. Atty Paguia cannot represent me in court at that time because the SC has suspended him. My case was filed at the NLRC…umakyat ng Court of Appeals… nagkaron ng mediation but abs cbn didn’t budge..:.hanggang nakarating ng Supreme Court. Atty. Bancil was sickly then ..until i learned that he died. I called Atty Paguia (that time, lifted na suspension sa kanya ng supreme court)…and we were supposed to sit down and discuss my case …but later on, he died too.

I just learned from a colleague that my case has been dismissed in 2010. 😥😔