Davao City Mayor Inday Sara sinupalpal ang ABS-CBN: “Kaya marami naiinis sa inyo dahil nanadya kayo!”

Naging viral sa social media ang naging pahayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte matapos nitong batikusin ang ABS-CBN dahil sa kanilang ginawa.

Sa Instagram post ni Mayor Inday Sara, sinupalpal nito ang ginawang pagbabalita ng ABS-CBN tungkol sa kanyang naging interview sa isang radio station.

Ayon sa alkalde, pinili lamang umano ng ABS-CBN na ilabas ang kanyang maiksing pahayag at hindi isinama ang kanyang buong sinabi sa interview niya sa radio station.

Sa kanyang naging pahayag sa radio station, ipinaliwanag ng alkalde kung bakit pinapayagan si Pangulong Rodrigo Duterte na makabalik sa lungsod ng davao kahit na may quarantine.

Ayon pa kay Mayor Inday Sara, isa umano ito sa dahilan kung bakit marami ang naiinis sa kapamilya network dahil na rin sa kanilang bias na pagbabalita.

“Alam niyo Abs-Cbn kaya marami naiinis sa inyo dahil nanadya kayo. Apart from this sassy answer, I gave a mouthful of numbers as legal basis, aba kahit isa wala man lang kayo sinulat. Ansabe ko IATF Omnibus Guide dated 15 May 2020 Sec. 7 (2) 2 at Notam DIA exemption to restricted travel 2) Government flights,” saad pa ng alkalde.

Nakakadismaya umano ang ginagawang pagbabalita ng naturang estasyon, dahil imbis umano na makakuha sila ng suporta mula sa taong bayan ay mas dumarami ang mga naiinis sa kanila.

Sinabi rin ng alkalde na walang kinalaman ang freed0m of speech sa prangkisa ng naturang estasyon kaya dapat itigil na umano ng naturang estasyon at taga suporta nito na i-konek ang isyung ito sa freed0m of speech sa bansa.

“Andami niyo na nga kalaban gusto niyo pa dagdagan. Kung sabagay pasok naman na sila Espasol, Sapin-Sapin at Chicharon sa bulsa eh noh, 6 months to 25 years. So tuloy lang tayo sa bias.” sabi pa ni Mayor Inday Sara.

“Magsulat kayo maayos oi. And for the record, walang connection ang freedom of speech at iba pang kieme ninyo sa isang franchise. Amen,” dagdag pa nito.