DFA Sec. Locsin may ibinunyag tungkol sa DOH

Kamakailan lamang ay binatikos ng mga netizen ang Department of Health dahil umano sa kanilang kabagalan kaya kumalat at lumala ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

May mga ilan rin taga suporta ng administrasyon ang bumatikos sa Secretary ng Department of Health dahil umano sa kapabayaan nito lalo na sa pagbibigæy ng proteksyon para sa mga frontliners.

Kaya naman naging viral ulit sa social media ang Department of Health dahil na rin sa ibinunyag ng Department of Foreign Affairs Secretary na si Teddy Locsin Jr, na kung saan sinabi nito na hinaharang umano ng DOH ang mga medical professionals na galing sa China.

Ayon sa twitter post ng Secretary of Foreign Affairs, kinausap na nito ang ambassador ng China upang humingi ng karagdagang tulong sa mga Chinese Doctor, ng0nit hinarang umano ang papasok ng mga doktor sa bansa.

Sinabi rin ni Locsin na hindi rin umano problema ang interpreters para sa mga doktor dahil ilalagæy umano sana ang mga doktor sa Chinese General Hospital at Metropolitan Medical Center sa Manila.

“I ASKED AMB. HUANG to send us Chinese doctors. Interpreters are no problem: Chinese General Hospital and the Metropolitan Hospital—where Yuchengcos had equity, my daughter was born there—will readily supply them. BUT DOH is blocking their arrival. DON’T PISS ME OFF. LET THEM IN.” saad pa ni Locsin sa kanyang twitter post.

Ayon sa report ng CNN Philippines, pansamantalang hindi pinayagan makapasok ang mga banyaga sa bansa dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Matatandaan na patuloy na bumababa ang kaso ng pagkalat ng COVID-19 sa China, at sa bagong update, nang0ng0na na ang Estados Unidos sa dami ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Mahigit sa 803 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas at 54 sa mga ito ay pumanaw na habang 31 naman ang gumaling.

Matatandaan na nagdeklara na ang pamahalaan ng enchanced community quarantine sa lungsod ng Metro Manila upang maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.