DJ Loonyo batikos ang inabot sa netizen matapos magkalat ng maling impormasyon tungkol sa mass testing

Naging viral sa social media ang naging pahayag ni DJ Loonyo tungkol sa mass testing na kung saan marami ang nagsasabi na tila hindi niya umano alam ang totoong dahilan ng mass testing.

Matatandaan na naging kilala si DJ Loonyo dahil sa kanyang mga uploaded video habang nagsasayaw ito. Agad na kinahumalingan ng mga babae ang pagsasayaw nito.

Mas naging kilala si Rhemuel Lunio o DJ Loonyo nung masama siya sa isang vlog ng kapamilya aktres na si Ivana Alawi sa isang boyfriend prank.

Marami ang nadismaya kay DJ Loonyo lalo na ang ilan niyang followers dahil umano sa kanyang naging pahayag tungkol sa COVID19 mass testing.

Sa isang social media live streaming, tinanong si DJ Loonyo kung ano ang kanyang masasabi sa mass testing at kung ano ang alam niya tungkol dito.

“I just don’t know. It’s like gagana ba ‘to ang bagay na ‘to sa ganiton ano.Di ko alam kung ano ang gagamitin nila sa mass testing, kung ano ipapainom nila, kung ano ipapagawa nila, it’s a trial and error. That’s why it’s mass testing,” saad pa ni DJ loonyo.

Ayon pa sa kanya, nakakaawa umano ang mga tao sa mass testing kung gaganapin ito sa bansa, dahil hindi umano ito 100% proven.

Sinabi rin nito na dapat umano hindi gawing mandatory ang mass testing at dapat nakadepende lamang umano ito sa tao kung naniniwala siya sa prosesong ito.

“But for me, why would you test me? I’m a human being. I will react kung ano ang ipapainom mo sa akin,” he also said. He also believes that if his body will react negatively to the “mass testing”” dagdag pa nito.

SOBRANG ALARMING NITO DJ LOONYO NAKAKALOKA HAHAHA. I'M SO DISAPPOINTED. FOR A PUBLIC FIGURE HA. WALA E, MINSAN LANG TALAGA, KAPAG ANG ISANG TAO NAGSALITA NA, IT DESTROYS THE FANTASY. Doon mo sila makikilala. Iyong depth. Iyong substance. Iyong sense. Lahat ng kilig ko sa video niya nawala hahahaa.I NEVER CRINGED SO MUCH OVER AN IGNORANCE LIKE I DID WHILE WATCHING THIS CLIP.Literal akong sumisigaw ng 'PINAGSASASABI MO?!' Hahahaha iba 'to. Nasa ibang dimensyon pag iisip ni Sir. Ang hirap tapusin nu'ng video. I was even hoping na issa prank hahaha. As in pinagtiyagaan ko siya pakinggan hoping na may redemption sa dulo or at least iyong kausap niya e icocorect siya. But much to my surprise, parehas silang walang proper knowledge kung ano ang COVID Testing, Rapid Testing and most importantly, Mass Testing. In almost 3 months of quarantine, almost half a year our world is battling this pandemic, may katulad ni DJ Loonyo who has a very wide audience and has an access to the internet, na hindi alam kung ano na ang nangyayari at kung ano ang mass testing. Mas malala 'to sa confusion ni Harry Roque guys. And God knows, ilang tao pa iyong katulad niya ng paniniwalaHopefully his followers or friends reach out to him and give him a crash course about COVID19. Naiintindihan ko iyong concern niya about being a 'guinea pig' for clinical trial but you know it's completely different hahahaha sobrang nakakastress hahaha. And he was so sure sa sinasabi niya while vaping. I cant. I just can't. Let us educate one another mga kakosa. Do not let this kind of assumption slide. RESEARCH. Nakamamatay ang virus pero mas nakamamatay ang maling impormasyon.Kaya Kids, mag aral kayo maigi. Mabuti. Masipag. Never stop learning. Laging may lamang ang may alam. 2020 na at nagkakapandemic na, hindi pwedeng puro pagwapo paganda pacute lang #KeplerLoonyo

Posted by Inah Evans on Tuesday, June 2, 2020