Duterte-Duterte! Pâtay na oposisyon kapag tumakbo itong dalawang ito – Panelo

Usap usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Legal adviser of President Rodrigo Duterte Salvador Panelo na kung saan sinabi nito na katapusan na umano ng oposisyon kung tatakbo ang dalawang Duterte sa susunod na eleksyon.

Nanawagan si Panelo kay Pangulong Duterte na huwag muna magretiro at tumakbo muna bilang pangalawang pangulo ng bansa kasama ang kanyang anak bilang Pangulo ng bansa.

“Between us, huwag ninyo na lang sasabihin sa iba. Sikreto. Gusto ko itong Presidenteng ito tumakbong bise presidente sa kanyang tatakbo o pinatatakbo rin na anak na si Mayor Sara Duterte na presidente.” saad pa ni Panelo.

“O di po ba, ang ganda — Duterte-Duterte. O wala na. Patay na, patay na oposisyon kapag tumakbo itong dalawang ito.,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Panelo na nagkatandem na ang mag-ama noon sa lungsod ng Davao.

“Mayor si Presidente Duterte. Yung Vice Mayor niya, ‘yung anak niya na si Mayor Sara Duterte. Maniwala ba kayo nung nagtandem yung dalawa, wala nang tumakbo. Paano ka tatakbo, hindi sila lalabas. Ganoonn katindi, kalakas,” saad pa ni Panelo.

Naniniwala rin si Panelo na tatakbo bilang pagka-pangulo ng bansa si Mayor Inday Sara Duterte sa susunod na eleksyon.

“Itong dalawang ito parehong ayaw tumakbo . Butsabi ko nga kay Mayor Sara, you have an appointment with history and a date with destiny. Hindi po ba. Ganyan nangyari kay presidente noon. 10 taon nating niligawan, bwinisit na tumakbo. ayaw niya talagang tumakbo. pero naka-destindo ka wala ang magagawa, naka destinido ka,” saad pa ni Panelo.

Matatandaan na pinayuhan ni Pangulong Duterte si Inday Sara na huwag tumakbo bilang Pangulo ng bansa dahil sakit ng ulo lamang umano ang aabutin nito.