Filipina Singer Bituin Escalante reacts on ‘Duterte Legacy’: “Ang legacy ni Duterte sa Health? Ang pagbalik ng polio sa bansa”

Nagpahayag ng pagka dismaya ang Filipina Singer na si Bituin Escalante sa kanyang twitter account tungkol sa mga nakamit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pamumuno bilang Presidente ng bansa.

Sa kanyang twitter post, naglabas ng komento ang Singer tungkol sa inilabas ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na “Duterte Legacy”.

Ayon sa kanya, ang nagawa umano ng administrasyon ni Pangulong Duterte sa kalusugan ay ang pagbabalik ng Polio sa bansa.

“Ang legacy ni Duterte sa Health? Ang pagbalik ng polio sa bansa,” sabi ni Escalante.

Dahil dito, maraming netizens ang bumatikos sa Singer at sinabing wala dapat sinumang tao ang dapat sisihin sa pagbabalik ng sakit na polio sa bansa.

“Believe me, one day, you will need health coverage. You’re getting old after all,” sabi ng isang netizen kay Escalante.

“Duterte is not to blame for it. Ang kadugyutan ng ilang Pilipino ang sanhi ng polio at ang takot sa pagbabakuna ng mga anak nang dahil sa dengvaxia ni Noynoy. OPEN YOUR EYES BITUIN ESCALANTE,” dagdag pa ng isang netizen.

Matatandaan na binantaan ni Pangulong Duterte ang U.S na ikakansela ang VFA, matapos ikansela ng U.S ang visa ng senador na si Ronald Bato Dela Rosa.

Kaya naman, naglabas rin ng komento ang Singer tungkol sa isyu na ito at sinabing ang pagbibigay umano ng Pangulo ng banta sa U.S na ikansela ang VFA ay isa umanong ‘tantrum’.

“Tumatanda ng paurong.” dagdag pa nito.