Former ABS-CBN cameraman may isiniwalat tungkol kay Coco Martin: “‘Liit ng tingin ko sa’yo! Baka lunukin mo yan dila mo!”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN dahil umano sa mga nilabag nilang batas.

Matatandaan na nag labas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na naguutos na tumigil sila sa pag-eeri.

Marami ang nagpahayag ng suporta sa naturang estasyon at kasama na rin ang mga iba’t ibang kilalang celebrity sa bansa na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nangyaring ito.

Isa na jan ang leading man ng ‘Ang Probinsyano’ na si Coco Martin nagpalabas siya ng galit at panay ang pambabatikos niya sa mga taong nasa likod ng pagsasara ng naturang estasyon.

Kaya naman hindi mapigilan ng dating cameraman ng Kapamilya network na si Journalie F. Payonan nag mag kwento tungkol sa kanyang karanasan sa nasabing estasyon.

Ayon sa kanya, nagkwento ang mga stuntmen at mga utility staff sa kanya tungkol sa ginagawang pambabastos ng aktor na si Coco Martin.

“Yung’ mga stuntmen na pinagsalitaan mo ng hindi maganda, ‘yung grupo ni Tatay Bal Iglesias. Alam mo Coco, maraming problema sa akin na binanggit ni Boy Roque dahil nakasama ka niya sa trabaho. Kung anong klaseng ugali mayroon ka? ‘Yung pabuhos-buhos mo pa ng tubig sa utility.” saad pa ni Payonan sa kanyang uploaded video.

“Alam niyo mga kababayan, si Robin Padilla… Minsan na nakasakit at napuruhan ang stuntman dahil sa sparring pero makikita mo si Robin humihingi siya ng sorry. Maya-maya nilalambing ni Robin at binigyan ng pera, kung baga pampalubag-loob ang tawag doon o pampagaan ng kalooban.”

“Ikaw, ang nakarating na balita sa akin, kasi maraming nagsusumbong sa akin na stuntmen, minsan nakapanakit ka, napuruhan mo ‘yung tao, base ng kwento ng stuntman sa akin, ang sabi ni Coco, ‘Pasensiya ka na hindi ako katulad ng isang tao diyan na ‘pag nakapanakit humihingi ng tawad at nag-aabot. Hindi ako ganun’. So anong ibig mong sabihin? Papanindigan mo na ganun ka,” dagdag pa nito.

Nakakadismaya pa umano ang mga ginagawa at sinasabi ng aktor dahil lang sa napasara ang naturang estasyon, samantala hindi niya man lang umano kaya ipaglaban ang mga tinanggalan ng trabaho sa ABS-CBN ng walang dahilan.

“Coco, nakakahiya. Ang lakas mo ng kumita tapos ganyan pa ang gagawin mo na mananawagan ka na ipaglaban. Kami nga hindi mo naipaglaban demonyo ka, batukan kaya kita. Tapos maghahamon ka pa baka may pumatol sayo, lunukin mo iyan dila mo. Coco, tigilan mo ko maraming balita ang nakakarating sa akin. “

“‘Yung pabuhos-buhos mo ng tubig sa utlity, may video ako nun. Kaya lang ang tagal ko ng hinahanap. ‘Wag ka sana magbago. Magbalik-tanaw ka kung saan ka nanggaling. ‘Wag mo ng hintayin na ibang tao pa magpaalala sa’yo kung saan ka galing. Ang sakit nun. Masasaktan ka lang. Ngayon oh, maraming kumkalat sa social media kung saan ka galing… Ang yaman mo ngayon, guwapings ka pero maliit ang tingin ko sa’yo,” dagdag pa nito.

Para sayo to,.. COCO…baka nakalimutan nyo na..Baka mabura itong Video ko dito sa fb, Pls Subscribe to my youtube channelKasi doon na ko mag popost ng upcoming videos kohttps://www.youtube.com/channel/UCL1YmAziIdclLoauuvcAyCg

Posted by Journalie F. Payonan on Saturday, May 9, 2020