Former ABS-CBN host dares Sen. Poe to invite Mel Tiangco, Erwin Tulfo, Willie Revillame on ABS-CBN senate hearing

Viral ngayon sa social media ang naging paghamon ng veteran journalist na si Jay Sonza kay Senator Grace Poe na kung saan nanawagan ito na magkaroon ng senate hearing tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sa facebook post ni Sonza, sinabi nito dapat imbetahan ng senadora ang mga kilalang personalidad na dating nagtatrabaho sa ABS-CBN kung matutuloy ang senate hearing tungkol sa franchise renewal ng naturang estasyon.

Matatandaan na isa si Jay Sonza sa dating nagtatrabaho sa ABS-CBN kasama si Mel Tiangco na ngayon ay nasa GMA7.

Ayon pa kay Jay Sonza, kung talaga umanong seryoso ang senadora na talakayin ang isyu tungkol sa prangkisa ng naturang estasyon, ay mas mabuti umanong imbetahan ng senadora ang mga personalidad na ito.

“Kung talagang serious kang malaman ang mga kabulastugan ng abs-cbn Sen. Grace Poe- Llamanzares, imbitahin mo ang mga sumusunod na resource persons:”

  1. Mel Tiangco
  2. Angelique Lazo
  3. Ruth Abao
  4. Izza Reneva-Cruz
  5. Erwin Tulfo
  6. Jay Sonza
  7. Korina Sanchez-Roxas
  8. Gel Santos-Relos
  9. Group 103 forcibly terminated cameramen, cablemen, lightmen, vtr men, driver.
    10 Group 457 forcibly dismissed employees.
  10. Group 209 forcibly retired employees.
  11. ten thousand employees without mandatory social amelioration coverage.

Isinama rin ni Sonza sa kanyang listahan ang dating TV host na si Willie Revillame na kung saan pinatawan ng P127-M copyright infrigement case ng ABS-CBN matapos siyang umalis sa estasyon.

Ang facebook post na ito ng batikang journalist ay umani na ng higit sa 10,000+ reactions at 3,300+ shares.

Umani rin ng sari’t saring reaction mula sa netizens ang naturang facebook post.

“Alam natin pautot lang yan hearing na yan yun mga nabangit na pangalan pwede magsamasama at manawagan ng senate hearing palagay ko dyan sila mapipikitan dahil buong bayan na ang maghihintay mapanood” sabi ng isang netizen.

“Dami naglalabasang buwaya ngayon na pulitiko, obvious kung sino mga nasa payola ng abias cbn.” saad pa ng isang netizen.