Former ABS-CBN worker to supporters of ABS-CBN: “Real talk lang mga kaibigan hindi nyo alam kung ano naging buhay namin noon

Dismayado ang isang dating nagtatrabaho sa ABS-CBN sa mga artistang nagtatanggol ngayon sa naturang estasyon na kung saan sinasabi nila na maraming tao ang maaapektuhan kung sakaling tuluyang magsasara ang ABS-CBN.

Sa facebook post ni Christopher Mendoza, ibinahagi nito ang ilan sa mga larawan ng isinagawa nilang rally laban sa naturang estasyon noong June 2010. Kwento pa nito, biglaan umano silang tinanggal sa kanilang trabaho ng naturang estasyon.

“June 2010 nang ipaglaban namin ang karapatan namin bilang isang mangagawa, ano ang pinagkaiba ng 100+ na mangagawang tinangal noon at sa sinasabi ng mga artista ngaun na maraming apektado kung sakaling masara ang abs eh pare pareho namang tao kami nga biglaan tinangal samantalang kyo last year pa ng ipaalam na pwedeng masara abs so nakapaghanda na kyo” saad pa ni Mendoza na dating nagtatrabaho sa ABS-CBN.

“Real talk lang mga kaibigan hindi nyo alam kung ano naging buhay namin noon may mga anak na pinagaaral, pinapakain parating pa kapaskuhan buti na lang hindi kami pinabayaan ni God.” dagdag pa nito.

Sa magkaibang facebook post, sinabi pa ni Mendoza na sapilitan umano sila pinapirma ng kontrata upang iurong ang kanilang ipinaglalaban noon.

“Balik tanaw lang, ito ang kaganapan noong June 2010 sa harap ng abs cbn ng biglaan kaming tangalin ni Lopez, para lang po sa kaalaman ng lahat ako po ang kauna unahang lumabas nang compound ng abs cbn noong June 10 7am kasi po pinapipirma kami ng labag sa aming kalooban at pagyurak sa aming karapatan bilang isang manggagawa”

“100+ po kaming nanindigan para ituloy ang kasong isinampa namin noong 2002 na regularitation na gusto ni Gabby Lopez na iatras namin sa pamamagitan ng pagpirma sa isang kontrata, biglaan po ang mga pangyayari nag simula June 9 ng hapon nasa Megamall ako nun para sa shoot ng primier night ng pelikula ng star cinema may tumawag sakin na kasamahan ko na nasa studio ang sabi, papasam balik ka dito sa abs may ultimatum si sir Gabby na kailangan daw naming pumirma pag hindi pumirma lalabas na ng abs ang ayaw lumabas sapiltang ilalabas ng security, yan lng po share ko lng.” dagdag pa nito.

Sa naging pahayag ni Antonio Perez, Presidente ng ABS-CBN Internal Job Market IJM Workers Union noong 2010, Sinabi nito na hindi umano kinikilala ng ABS-CBN ang 1,400 workers as employees.

“Our pay slips, IDs and uniforms all bear the logo of ABS-CBN as our employer. Workers who have been in service for many years have even received necklaces and rings affirming their employment in ABS-CBN,” ayon sa naging pahayag ni Perez noong 2010.

Source: Pressreader