Francis Leo Marcos may mensahe para sa kanyang taga suporta at mga kritiko bago siya pumasok sa BJMP

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa pagkaka-aresto kay Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos.

Ito’y kasunod na rin sa mga alegasyon at mga kasong kinakaharap ni Marcos katulad na lamang ng human traff icking at ilan pang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Kaya naman bago pumasok sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, may ibinigay na mensahe si Francis Leo para sa kanyang mga taga suporta at pati narin sa kanyang mga kritiko.

Ayon sa kanyang naging mensahe, masaya umano siya na ililipat na siya dahil nakakaramdam umano siya ng takot para sa kanyang buhay.

“Sa lahat ng mahal kong kababayan, maraming Salamat po sa inyong mga panalangin at ako ay nailipat na sa BJMP. Nakaiwas ako sa panganib sa aking buhay. Meron ilan ahente doon sa pinanggalingan ko na Meron masamang pakay sa akin,” saad pa ni Marcos.

“Wag po kayong mawawalan ng pagasa. Tayo po ay lalaban. Naniniwala ako na ang katotohanan at katarungan ay magtatagumpay sa huli, hindi po mapipigil ng mga kaaway natin ang aking advocacy to help the poor.” dagdag pa nito.

Sinabi rin nito na pagsisisihan umano ng kanyang mga kritiko ang kanilang ginagawang paninira sa kanya.

“Sa mga naninira sa akin, darating ang araw na makikita niyo ang katotohanan at tiyak ako na magsisisi kayo. Ganun pa man, hinahamon ko kayo na gumawa ng mabuti sa ating mga kapos palad na kababayan,” saad pa nito.

“Tulungan natin ang mga naghihirap. Maawa tayo sa kanila. Ang bayan na ito ay hindi
Lamang para sa mayaman. Higit sa lahat ito ay para sa lahat ng pilipino,” dagdag pa nito.