Ginagamit mo lang ang maliliit na tao! Dating cast ng Ang Probinsyano may isiniwalat tungkol kay Coco Martin

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa pagsasara sa isa sa pinakamalaking estasyon sa bansa na ang ABS-CBN tv network.

Matatandaan na nag labas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na naguutos na tumigil sila sa pag-eeri.

Marami ang nagpahayag ng kanilang mga suporta sa naturang estasyon, pati narin ang mga kilalang mga artista ay naglabas na rin ng kanilang mga saloobin sa nangyaring pagsasara.

Isa na nga jan ang aktor na si Coco Martin na kung saan binatikos nito ang mga nasa likod ng pagsasara ng naturang estasyon at pati narin ang mga suporta sa pagsasara ng ABS-CBN.

Ngunit may ilang personalidad rin ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa naging pahayag ng aktor at agad na niresbakan ang kapamilya aktor.

Isa na dito ang nagpakilalang dating cast ng ‘Ang Probinsyano’ na pinagbibidahan ni Coco Martin, na kung saan may isiniwalat ito tungkol sa aktor.

“Coco, direk, mayaman ka na kahit hindi ka na magtrabaho. Sabi mo nga sa interview sa iyo ni Boy Abunda, hindi ka na maghihirap. Eh paano ‘yung mga talent mo, mga goons, mga kontra-bida, bodyguards, foreign-noy, lahat kami gumaganap sa FPJ ‘Ang Probinsyano’. Pero lahat ba kami ay natulungan mo? Hindi. Marami ang maliliit na artista na kinuha mo ang ginagamit mo rin” saad pa nito.

Ayon sa kanya mahigit 30% umano ang kinakaltas sa talent fee lalo na sa mga maliliit na cast ng program, at ang mga care taker umano ng aktor na kumukuha sa talents nanggigipit pa sa swelduhan.

Ibinulgar niya rin ang pagkain umano sa set na kung saan inihantulad nito sa pagkain ng mga preso.

“Sa pagkain, masasabi ko sa’yo, hindi kami preso. Isa pa, umulan at umaraw, wala kaming masilungan sa set kasi masyado kang busy. Kahit magpakuha ng picture, may diskriminasyon pa rin sa’yo. Nanggaling ka rin sa maliit, ngayon naging mataas ka na di ba? Sumikat ka na, mayaman ka na… Wala kang malasakit. Hindi mo pinansin ang maliliit na artista. Sabi mo natulungan mo, kasi mayroon camera pero sa likod ng camera, hindi mo na alam iyon,” dagdag pa nito.

ISANG CAST NA KONTRABIDA NG PROBENSYANO FPJ ANG NAGSALITA SA TUNAY NA UGALI NI COCO MARTIN..labasan na to ng baho…ating pakingan ang kanyang pahayag..

Posted by JEFF TV official on Tuesday, May 12, 2020