Gladys Guevarra labis ang galit at lungkot matapos itakbo diumano ng kanyang ex ang pera niya sa negosyo

Gladys Guevarra labis ang lungkot matapos itakbo diumano ng kanyang ex ang pera niya sa negosyo

Ibinahagi ng komedyante ang kilalang personalidad na si Gladys Guevarra kung paano umano itinakbo ng kanyang dating kasintahan ang kanyang pera sa negosyo.

Sa facebook live ni Gladys, ikweninto nito sa kanyang customer at pati narin sa kaniyang mga followers sa social media kung papaano itinakas diumano ni Leon Sumagui ang perang ginagamit niya para sa kaniyang online food business.

Kaya umano napilitan si Gladys na ikansela na lamang ang lahat ng orders ng kanyang mga customer online dahil sa kaniyang kinakaharap na problema.

“Ito po ay may kinalaman sa ipinakilala kong jowa ko, which is si ‘dada’ si tiger, mayroon po kaming hindi pagkakaunawaan from last night so I’ve decided na cancel-in lahat ng orders and up to this very moment, itong buong maghapon na ito, antagal bago ko po nakuha lahat ng perang ibinayad ninyo,” kwento pa ni Gladys sa kanyang facebook live.

“Yung sinasabi ko pong hindi inaasahang kadahilanan, eh yung akin pong partner, as you notice, noong mga unang nag o-order kayo ang ibinibigay ko pong bank details ay ‘yung BDO account ko,” dagdag pa nito.

Pinagkatiwalaan umano ni Gladys si Sumagui dahil kasintahan niya ito at may tiwala siya sa kanyang karelasyon.

“Ang salita po ng partner ko, ang ilalagay nalang sa system at sa page ay yung BDO account niya, yung BPI account niya at ‘yung Gcash account niya, sa kadahilanang wala akong BDO online so hindi ko mamo-monitor ‘yung mga perang pumapasok online at ‘yung mga magbabayad sa orders,” saad pa ni Gladys.

“So pumayag ako out-of-trust, out of good faith, dahil partner ko siya at dahil karelasyon ko siya, eto pong hindi inaasahang kadahilan ay hindi po kami nagkaroon ng magandang pag uusap, hindi po kami nagka unawaan, hindi kami nagkaintindihan, umabot po kami sa punto na ‘okay fine hiwalay na kami today’”

“But as I said buong maghapon today, ang inasikaso ko ay ‘yung maibalik ang pera tapos sabi ko tagal ko sa industriyang ito hindi po ako nagkaroon ng problema tungkol sa pera, never pong nasira ang pangalan ko tungkol sa pera,” dagdag pa nito.

Dahil sa nangyaring ito, tinawag umano si Gladys na isang ‘scammer’ ng kanyang followers.

Nakakasiguro umano si Gladys na alam mismo ng kanyang mga customer na nagsasabi siya ng totoo dahil hindi nakapangalan sa kanya ang mga bank account na ginamit niya sa online food business nito.

Posted by Gladys Chuchay Guevarra on Wednesday, September 2, 2020