Gladys Gueverra sinupalpal ang ilang artista na nanawagan ng mass testing: “Anong gagawin niyo sa mga positive, ilalagay sa supot?”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang mga naging pahayag ng ilang mga artista sa bansa na kung saan nanawagan sila na magkaroon ng mass testing ang bansa para sa COVID19.

Hindi maikakaila na maraming bansa ang apektado sa naging pagkalat ng COVID19 sa mundo, kahit na ang mga mayayamang bansa ay hindi nakaligtas sa hagupit at malaking pinsala na naidulot ng sakit na ito.

Umabot na rin ng ilang libong katao ang apektado dito sa Pilipinas, at marami na rin ang nasawa sa naturang sakit.

Kaya naman naging usap-usapan sa social media lalo na ang mga naging pahayag ng mga kilalang personalidad sa bansa na kung saan nananawagan sila na magkaroon ng mass testing sa bansa upang labanan ang COVID19.

Ngunit hindi lahat ng artista ay nanawagan na magkaroon ng mass testing sa bansa, dahil wala umanong kakayahan ang bansa na magpatupad ng mass testing.

Isa na jan ang Komedyante at singer na si Gladys Gueverra na naglabas ng pahayag tungkol sa isinusulong ng ilang artista na magkaroon o magsagawa ng mass testing ang bansa.

Ayon sa kanyang naging facebook post, hindi niya umano maintindihan kung bakit isinusulong ng mga ibang artista at ilang netizens na magkaroon ng mass testing kahit wala pang gamot para labanan ang naturang sakit.

“Ano ba kase ang magagawa rin ng Mass testing? Matanong ko lang. eh kahit mag Mass testing, kung wala pa naiimbentong Vaccine, ano gagawin? Isusupot yung mga infected?” saad pa ng komedyante.

“I mean, diba? Ite-test mo lahat, para ano? Para lang malaman sino na mga infected? hala! Eh yung mga 1st world country nga di maapula yang lintek na virus na yan. Eh ano ga ang gagawin nila???? Diba? Ikaw palagay mo?” dagdag pa nito.

“Baka ba pag nalaman natin kung sino mga infected, pwede na lumabas, tapos ihiwalay yung mga pila at nakalagay. Pila ng mga Infected at Pila ng hindi infected. Ganire ba? At pag nagpa MASS TESTING, maglalabas ulit ng malaking halaga ang gobyerno para sa kits? At maghihintay tayo ng matagal sa results? Imbes na yang pondo nakakatulong ngayon sa pagkain sa pangkalahatan, lalo mas mga nangangailangan? Diba? Gets nyo? Ako di ko gets. Kaya ko i-gets, pero parang d ko ma-gets. Gets?” giit pa niya.