GMA-7 writer sinupalpal si Angel Locsin: “Hindi ka patay gutom nung lumipat ka sa kabila!”

Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang mga pahayag ng mga artistang nadismaya sa naging desisyon ng mga kongresista tungkol sa hindi pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN.

Isa na jan si Angel Locsin na kung saan nanawagan siya sa kanyang kapwa artista na magsalita tungkol sa isyu at huwag matakot magsalita.

Sa isinagawang rally ng mga empleyado ng ABS-CBN, Nilinaw ni Angel Locsin na wala umano siyang shares sa ABS-CBN, at nagpapasalamat siya sa Kapamilya Network dahil tinulungan siya noong walang wala siya.

“Wala akong shares sa ABS-CBN, wala akong kontrata pero itong mga taong ‘to sila yung’ nagbigay ng trabaho sa akin, sila yung tumulong sa akin nung walang-wala ang pamilya ko,” saad pa ng aktres.

Ngunit hindi nagustahan ng GMA-7 writer na si Suzette Doctolero ang naging pahayag na ito ng aktres at agad niya sinupalpal si Angel Locsin.

Sinabi ni Doctolero na malaki ang kinita ni Angel Locsin noong nasa GMA-7 pa lamang ito.

Matatandaan na naging leading aktres si Angel Locsin sa palabas na Mulawin, Darna at Majika at pati narin sa Asian Treasures.

Isa umanong magpapatunay na hindi naghirap si Angel Locsin sa GMA-7 ay ang Bureau of Internal Revenue o BIR dahil alam umano nila kung gaano kalaki ang kinita ni Angel Locsin noong nasa Kapuso pa lamang siya.

“A e I admire your courage po pero huwag exag. Kumita ka ng sobrang laki sa GMA. Malaki ang net worth mo nung lumipat ka sa kabila. Sa totoo lang tayo ha. Kaloka. Though baka naman din kasi sa sobrang silakbo lang ng damdamin mo kaya mo siguro nasabi ang tila yata kasinungalingan na padrama mo na ito, right?” saad pa ni Doctolero.

“Pero, gurl, we know at ng BIR na di ka patay gutom nung lumipat ka sa kabila, teh. But go, tuloy ang laban, gurl. Wag lang oa sa mga statement. Sa truth lang tayo, yes! Btw, ginawa ka naming Darna. Im glad na until now ay nakakabit sa iyo ang pagiging superhero.. kaya sana konting lingon naman ng konti sa pinanggalingan at huwag magsisinungaling ha? Ang totoong hero ay may integredad at di liar, di ba?” dagdag pa nito.