GMA broadcaster Atom Araullo binatikos matapos makipagsagutan sa isang infectious disease expert

Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang naging sagutan nina Atom Araullo at ni Dr. Edsel Salvana tungkol sa COVID-19 test statistics.

Nag umpisa ang sagutan ni Dr. Edsel Salvana isang infectious disease expert at ni GMA News Broadcaster na si Atom Araullo matapos itama ni Salvana ang pagkukumpara ni Atom sa mga bilang ng mga tests na ginagawa sa bansa at sa ibang bansa katulad ng Vietnam, Malaysia at Thailand.

“It’s wrong kasi positive patients get multiple tests until they are negative. Some positive patients may get as many as 10 tests,” pahayag pa ni Salvana.

“Atom, the 2147 test is inaccurate. Its not as simple as adding the COVID tracker numbers. Positive patients get many repeate tests until they turn negative. The actual tests performed is 11,466. Capacity now at more than 1000 test/day. DOH will update,” dagdag pa nito.

Agad naman ito sinagot ni Atom at tinawag na ‘misleading at best’ at ‘malicious at worst’ ang naging sagot ng Doktor.

“I’m sorry to say but your tweets are misleading at best, and malicious at worst. I was NOT referring to a total number of tests but individuals tested. This is what the DOH tracks anyway. So Hindi pala inaccurate yung data,” saad pa nito.

Ang sagutan na ito nila Atom at ni Dr. Salvana ay naging viral sa social media at umani ng iba’t ibang reactions mula sa netizens.

Isa na sa bumatikos kay Atom ay ang kapatid na babae ni Dr. Salvana na si May Salvana-Unchuan.

Nanawagan rin siya sa broadcaster na imbis na batikusin ang gobyerno ay tumulong na lamang ito.

“Dear Mr Atom Araullo instead of disrespecting and maligning my brother who is THE infectious disease expert and who has been risking his life trying to help stop this disease from k1lling all of us, why don’t you become productive and try to contribute to help solving the problem instead of being negative. My brother is already sick and stressed trying to multitask while in quarantine and trying to find multiple ways to help save our country and has barely enough time answering legit queries and then you bash him on twitter tapos he has to spend his precious time answering you pa! For your information he has been away from his family for too long nga and sacrificing every ounce of his strength to serve!!” ayon pa sa kanya.

“Are you an authority in Covid 2019? Do you have the credentials and evidence to take opinions of experts and say that its misleading or malicious? What have you been doing anyway? Are you risking your life like us frontliners? Mas mabuti pa gumawa ka nalang ng mask or magluto ka ng food at ibigæy mo sa mga health workers kung wala ka na talagang magawa,” dagdag pa nito.

Naglabas rin ng pahayag si Thinking Pinoy kilalang taga suporta ng administrasyon Duterte tungkol sa sagutan nila Atom at ng Doktor.

“I am sorry, @AtomAraullo, but @EdselSalvana is one of the nation’s leading experts on COVID-19. He can be condescending at times, but so are most geniuses. He’s a scientist, not a communicator, so set your ego aside and be more patient. Right now, Salvana is indispensable and you are not.” saad ni Rj Nieto o mas kilala sa pangalang Thinking Pinoy.