GMA7 writer sinupalpal si Ogie Diaz: “Simulan mo na ring umihi sa salawal mo”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang naging blind item na ibinahagi ng isang talent manager at komedyante na si Ogie Diaz.

Kinastigo ni GMA-7 creative writer na si Suzette Doctolero ang isang talent manager mula sa kabilang estasyon dahil umano sa pagdidikta nito sa kaniyang gustong ipost sa social media.

Ayon pa kay Doctolero normal lang umano na magkaroon ng iba’t ibang opinyon ang tao kaya dapat respetuhin na lamang ito at huwag maging “pikon at bitter.”

“Huwag mo akong diktahan kung anong ipo-post ko. Napaka ironic na ‘yang “nyetang freedom of expression ang binabandera ninyo pero pikon at bitter ka sa anumang dissenting opinion dyan sa inyong narrative na drama drama.” saad pa ni Doctolero sa kanyang social media post.

Rumesbak rin si Doctolero sa isang talent manager na kinukutya ang mga shows ng GMA7 at sinabing ang GMA7 ay hindi nangungutang sa gobyerno ng pera hindi katulad ng ibang estasyon.

“Huwag mo ring kutyain ang mga shows namin. Yes, mas magastos nyong nagagawa ang inyo kasi ‘di kami nangungutang sa gobyerno o pera ng bayan tapos ipapa write off.”

“Nah, di namin gawain yan. Wala kaming utang. Galing sa malinis na paraan ang pera ng kompanya ko kaya tang*na, sobrang proud ako. Tapos disente at honest na nagbabayad pa ng tax kaya sobrang wow!”

Pinatutsadahan rin ni Suzette ang ginawang mga show ng kabilang network tungkol sa gender at history na kung saan sinabi nito na ang GMA7 lamang umano ang nagpapalabas ng matitinong lgbt historical at historical fiction soaps na hindi nilalait ng mga akademiko.

“First and last time na gumawa kayo, kumusta ba? Hindi ba’t naghuramentado ang mga indigenous people? Nakatikim rin ng talak sa akin yung headwriter nun. No wonder at winakasan agad. Kayo pa? Ugali ninyong patagalin ang show. Oh wait, manager ka nga pala ng isa sa main cast nun kaya no wonder, gigil ka sa akin. 👅 to be fair, magaling naman silang artista.”

“Amb*bo, historically at culturally insensitve /inaccurate lang nung palabas. So huwag kang magyabang at manglait ha? At ibabalik din sa iyo. Alalahanin, ‘di kayo perpekto. Kaya nga may mga kaso at issue now e ‘no?”

Source: PEP