“GO Timor-Leste!”: Pinoy Netizens are also cheering for Timor-Leste, HERE’s Why!

Inulan man ng batikos ang mga organizer ng Southeast Asian Games kahit hindi pa ito nagsisimula, bumawi naman ito sa opening ceremony ng SEA Games na kung saan marami ang bumilib at humanga sa pagbubukas ng SEA games.

Sa pagbubukas ng laro ng SEA Games, ay namamayagpag ngayon ang bansang pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games dahil sa mga gintong nakuha ng mga pinoy athletes.

Pero hindi dito nagtatapos ang napakagandang nangyayari sa SEA Games, dahil kung ang bansang pilipinas ang nangunguna sa gintong medalya, hindi naman kinalimutan ng mga netizen na ipakita ang kagandahan ng tima ng SEA Games na “WE WIN AS ONE”.

Maraming mga netizen ang ngayon ay sumusuporta at pinapalakas ang loob ng mga atleta ng Timor-Leste dahil hindi pa sila nakakuha ng medalya.

“Timor Leste we’re cheering for you! it’s just the start of SEA Games, your athletes still have a good chance of bringing home medal(s) just keep the spirit, Filipinos are rooting for you,” sabi ng isang netizen.

“GO GO GO TIMOR-LESTE! We win as one!!! Go for Gold or Silver or Bronze….” saad pa ng isang netizen.

Dahil dito, pinuri ng isang radio host at isang kilalang blogger na si Mark Lopez ang mga filipino dahil sa pinapakita nitong kagandahan sa ibang bansa.

“Nakakatuwa ang ating mga kababayan dahil pinapakita nila sa buong mundo na we are so engaged sa theme ng SEA Games na “WE WIN AS ONE.” saad pa ni Mark Lopez sa kanyang facebook post.

“Yan ang tunay na FILIPINO BAYANIHAN SPIRIT, ASEAN edition!” dagdag pa nito.

Recommended For You

About the Author: root