Gretchen Barreto tinangging sinuportahan ang ABS-CBN: “I AM PRO DUTERTE!”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa usaping prangkisa ng ABS-CBN na kung saan ipinatigil ito ng NTC dahil narin sa mga umano’y paglabag nito sa batas.

Matatandaan na ipinag-utos ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN na tumigil sa pag-ere dahil narin sa paso na ang kanilang prangkisa.

Maraming mga kilalang personalidad ang umalma sa naging desisyong ito ng NTC, kaya naman agad na naglabas ng pagkadismaya ang mga artista ang mga netizen na sumusuporta sa Kapamilya network.

Ngunit sa isinagawang hearing ng mga kongresista napag desisyunan ng mga ito na hindi bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN dahil narin sa kanilang nakitang paglabag ng naturang estasyon.

Kaya naman naging viral sa social media ang naging Tweet umano ni Gretchen Barreto na kilalang isang masugid na taga suporta ni Pangulong Duterte.

Napag-alaman na isa palang fake account ang nag viral na tweeter post, at pinabulaanan ito mismo ni Gretchen Barreto.

Sa kanyang Instagram post, inamin ni Gretchen Barreto na ni minsan hindi siya naglabas ng pahayag tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

“THIS IS A FAKE TWITTER ACCOUNT!!! I Have Not made a single statement regarding congress & abs cbn πŸ‘ŠπŸ‘ŠπŸ‘Š” saad ni Barreto.

“This is a FAKE Twitter ACCOUNT! I DO NOT HAVE A TWITTER ACCOUNT. I AM PRO DUTERTE πŸ‘ŠπŸ‘ŠπŸ‘Š,” dagdag pa nito.