Hanggang pang Mayor lang! Francine Prieto nanawagan kay Pangulong Duterte na magretiro ng maaga

Viral ngayon sa social media ang tungkol sa naging pahayag ng batikang aktres na si Francine Prieto laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa twitter post ni Prieto, wala umano kakayahang mamuno si Pangulong Duterte sa bansa ay hanggang pang alkalde lamang umano ito.

Kaya naman nanawagan ang aktres kay Pangulong Duterte na kung maaari ay magretiro na lamang ito ngayon taon at kung hindi niya gagawin yun ay sana ipasa na lamang umano niya ang trabaho kay Bise Presidente Leni Robredo.

“Sa totoo lang, ang bait nating mga Pilipino. Tinatarndo na tayo, ginaggo na tayo, umaalma lang tayo. Grabe tayo magtiis. Ninanakawan na tayo, pero pinipilit pa rin nating intindihin sila. Kung iba yan, sinunog na mga bldgs, properties ng taga-gobyerno o pinatay na sila,” saad pa ng aktres.

“Sana magresign na siya ngayong 2020. Hanggang pang-mayor lang siya, hindi kaya maging presidente. Isama na rin yung mga nakapaligid sa kanya,” dagdag pa nito.

Naglabas rin ng pahayag ang aktres tungkol sa kakatapos lang na State of the Nation Address ng Pangulo na kung saan nadismaya ang aktres.

“Yes we deserve better. Unahing palitan ng totoong experts. No offense to the military men pero hindi sila yung kailangan,” sabi pa ni Prieto.

Hindi ito ang unang beses na binatikos ng aktres si Pangulong Duterte, matatandaan na noong Mayo 18 ay nanawagan rin ito sa Pangulo na mag resign na lamang at ibigay ang trabaho kay Robredo.

“Hindi kaya ni Presidente Duterte mamuno sa atin, sana nagresign nalang siya. O kung ayaw magresign sana ipinasa nalang niya kay VP Leni etong C0VID 19 issue kahit nung April, mas may plano at marami pang nagawa ang OVP,” saad pa ng aktres.