Hindi ako supporter ng terorista! Angel Locsin rumesbak ng banat kay Sen. Sotto

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa usapin ng bagong batas na anti-terr0r bill.

Maraming mga kilalang personalidad ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa ipinukalang batas na kung saan isa si Senate President Tito Sotto sa mga principal author.

Isa na sa mga tumutol ay ang Kapamilya aktres na si Angel Locsin na kung saan sinabi nito na isa umanong paglabag sa karapatan ng tao ang bagong batas.

Pati narin si Miss Universe Catriona Gray at mga kilalang celebrity ay nagpahayag narin ng pagtutol.

Kaya naman hindi napigilan ng aktres na si Angel Locsin na batikusin ang ginawang pag-like ni Senate President Tito Sotto sa isang social media post na inaakusahan ang aktres na isa umanong supporter ng New People’s Arm y (NPA).

“I saw that you liked this tweet… I will never support terr0rists, nor will I ever support any kind of vi0lence… You have the right to like any tweet. And we have the right to voice out our opinions. I hope we don’t get tagged as terr0rist for doing so. Thank you,” pahayag ng aktres sa kanyang social media post.

Matatandaan na dinepensahan ni Tito Sotto ang panukalang batas laban sa mga kritiko at sinabing pawang mga supporters at terorista lamang umano ang dapat matakot sa bagong batas.

“It’s as good as passed. It will just need my signature if it comes back to us after ratification then I will transmit to the President… I suggest they read the bill first before reacting. Terr0rists or their supporters are the only ones who will be afraid of the bill,” saad ng Senador.

Nagsalita na rin ang Presidential Legal Counsel na si Salvador Panelo tungkol sa mga bumabatikos sa bagong batas.

“Not only is such advocacy a falsehood, it is cerebrally challenged. The critique against the anti-terr0rism bill is not only biased, lacking in intellectual insight and oblivious of the monstrosity and the grave infinitesimal consequnces the terr0rism has brought to the world,” saad pa ni Panelo.