“Hindi lang ikaw ang may karapatan!” Businessman binatikos ang kanyang kapit-bahay na nagreklamo sa mga truck para magdala ng mga bigas sa mga tao

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang ginawang pagtulong ng isang Businessman na si Francis Leo Marcos sa mga nangangailangan ng tulong lalo na sa mga apektado ng Enchanced Community Quarantine.

Pinuri ng mga netizen ang ginawang pagtulong ni Marcos dahil malaking bagæy ito sa kanyang mga natutulungan na walang mapangbili ng pagkain dahil sa lockdown.

Ng0nit sa kasamaang palad, ang kanyang ginawang pagtulong at pagkuha ng mga truck upang makatulong sana sa pagbibigæy ng tulong sa Payatas, Quezon City ay hinarang ng subdivision.

Sa kanyang live video, ibinunyag nito na nakatanggap siya ng reklamo mula sa kanyang kapit-bahay matapos nitong i-vlog ang super-exclusive subdivision sa Quezon City na kung saan siya ay naninirahan.

Malaking tulong umano sana ang mga truck upang mas-mapadali ang pagbibigæy ng tulong sa mga nangangailangan. dahil SUV lamang umano ang ginagamit nila upang malagæy sa truck na ngæyon ay nasa labas ng kanilang subdivision.

Ibinunyag rin nito na ang ibang trabahante ng kanyang kapit-bahay ay lumalapit sa kaniya upang humingin ng isang sakong bigas.

“Kung sino ka man na nagrereport sa akin, ayan milyong milyong Pilipino ang nanonood sa akin, wala kang kwentang nilalang, baka yung katulong mo pa nga yung pumunta dito at humingi ng bigas eh, ang kapal ng mukha mo,” pahayag pa ni Marcos sa kanyang live video.

Iginiit rin ni Francis Leo na hindi niya ititigil ang kanyang pagtulong sa mga kababayang apektado ng Enchanced Community Quarantine kahit na nakatanggap na ito ng reklamo.

“Pare parehas tayong taga dito, hindi lang ikaw ang may karapatan dito, pati ako dito dahil taga rito ako,” saad pa nito.

“Mayroon tayong lockdown rules, pero pwede bang makiusap ang sabi ko, ‘in every rules, even the rules of the land, there will always be an exemption as long as there a justification, especially if it is committed or connected to humanitarian reason’,” dagdag pa nito.

Nanawagan rin si Marcos sa kanyang mga kapit-bahay na sana ay hayaan na lamang nila makapasok ang mga truck sa subdivision dahil ginagamit naman nila ito sa pagbibigæy ng tulong sa mga nangangailangan.