Hindi sila kagaya mo! Netizen sinupalpal si Angel Locsin: “Baka kasi hindi sila stockholder katulad mo”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa naging pahayag ni Angel Locsin laban sa mga kapwa niyang artista na hindi kumikibo sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa isinagawang rally ng ABS-CBN, nanawagan si Angel Locsin sa kanyang mga kapwa artista na magsalita at makisali sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

“Sa mga kasamahan kong artistang di nagsasalita, ano, may career pa ba kayo? Wala na, wala na kayong network kahit magpa-cute kayo d’yan sa Instagram, magsend kayo ng mga sad face, di n’yo nadadamayan ang mga katrabaho n’yo na dahilan kung bakit kayo sumikat,” saad ni Angel Locsin.

Kaya naman hindi mapigilan ng ilang netizen ang mag react tungkol sa naging pahayag na ito ng aktres, dahil tila pinipilit umano ni Angel Locsin ang kanyang kapwa artista na makisawsaw sa isyu.

Isa na jan si Marvin Torre na kung saan ipinaliwanag nito kung bakit hindi nakikisawsaw ang ilang mga artista sa isyu ay dahil hindi sila stockholder ng ABS-CBN katulad ni Angel Locsin.

“Sorry Ms. Angel Locsin, hinahangaan kita sa iyong mga ginagawang pagtulong ngunit hindi ito sapat upang hindi ko bigyan ng katuwiran ang pananahimik ng ibang kapwa mo artista,” saad pa ng isang netizen na si Torre.

“Maaaring tahimik sila, una, dahil posibleng hindi sila kagaya mo na STOCKHOLDER ng ABS-CBN, di ba nasa 29th place ka pa nga? Gayunpaman, gusto kitang paniwalaan na ang pera mo ay kaya mong ilaan para sa pagtulong,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Torre, kaya siguro tahimik ang ilang mga artista dahil naniniwala sila sa naging desisyon ng kongreso na may nilabag talaga batas ang Kapamilya network.

“Pangalawa, maaaring tahimik ang kapwa mo artista dahil naniniwala sila na sadyang maraming paglabag ang nasabing estasyon. Bukas ang kanilang isipan upang timbangin ang mga pangyayari. Posible rin na sila man ay nakaranas ng pagmamalabis o pagsasamantala kagaya ng iniaakusa ng ilang personalidad sa kanila,” paliwanag pa ni Torre.

“Kung itong pangalawa ang kanilang dahilan, SUMASALUDO ako sa kanila. Sila ang tunay na may paninindigan. Mas pinili nilang manahimik kesa kunsintihin ang ginawang pagmamalabis ng higanteng network. Kahit na alam nilang sila man ay apektado, mas pinili nilang manahimik kesa MAGPAGAMIT bilang “FRONTLINERS” para sa tusong estasyon,” dagdag pa nito.