Hinikayat ng Netizen na isali sa kanilang dasal si Pangulong Duterte: “You will see him get tired but you will never see him giving up”

Viral ngayon sa social media ang isang open letter na isinulat ng netizen na kung saan hinihikayat nito ang kanyang mga kababayan na ipagdasal si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kumakalat na COVID-19 sa bansa.

Matatandaan na inanunsyo ng Department of Health na mayroon ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus sa pilipinas at patuloy itong tumataas.

Kaya naman sa isang facebook post ni George Montiadora, sinabi nito sa kanyang open letter na mas malaking ang problemang iniisip ngayon ni Pangulong Duterte dahil narin sa kumakalat na virus sa bansa.

Nakakadismaya rin umano ang mga ilang mga netizens na bumabatikos kay Pangulong Duterte na kung saan mas nakikita nila ang kaunting kamalian ng Pangulo kaysa sa kanyang ginagawang kabutihan.

“Please include our President in your prayers for our country guys. He is more stressed than anyone of us. Imagine kung paano siya sinisisi ng marami either di maganda o mabuti ung nangyayari. Sa isang puting pader na natuldukan ng itim na tinta, karamihan sa mga Pilipino doon na nakatingin,” ayon pa kay Montiadora.

“Guys, this man will never ever do anything na makakasama sa kahit na sino sa atin. Matanda na siya, mahina, pagod, may mga nararamdaman,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa kanya, mas malaki umano ang nagbago sa bansa ng maging Pangulo ng bansa si Duterte.

“Kaliwa’t kanang pangbabatikos, pero aminin nyo, malaking relief sa atin nung siya ang naging presidente. Di ka matatakot maglakad sa kalye sa gabi kasi alam mo na may “Yari ako kay Tatay Digong” na nakatatak kahit papaano sa utak ng mga masasamang loob sa paligid,” ayon pa sa kanya.

“He chose to fight and serve for his beloved fellowmen. He never complained. He never turned his back even to those people na supposed to be partner nya sana pero walang ginawa. Yun na mismo ung punch line “WALANG GINAWA”. (di ko sinasabing vice president to ah)” dagdag pa nito.

Hinihikayat rin nito ang mga bumabatikos sa kanya at sinabi na sundin nalang ang ipinapatupad ng gobyerno at huwag na maging matigas ang ulo.

“You will see him get tired but you will never see him giving up. His intentions are beyond best. Inaayos nya yung bansang buong buhay nyang nakitang walang pagbabago. Sana makipag cooperate tayo. Kung di nyo kayang tumulong, wag na kayong magreklamo!!! Laban nating lahat to. Kapit-bisig tayo Salamat Tay, kasama mo kami dito,” saad pa nito.